🔥8

117 4 0
                                    

💛💛💛

Nakaramdam ako ng pag haplos ng kamay sa kamay ko kaya agad ko minulat ang mata ko. Ngiti ni nathan ang sumalubong sa akin, pero hindi ko yon pinansin bagkus pinag kunutan ko pa sya ng noo.

"Nagising ba kita.. Sorry"

"Ano ginagawa mo dito pangit ka!"

"Nandyan si daddy, hinahanap ka"

Bumangon naman ako para umupo, sa ibang dereksyon ko tinuon ang paningin ko ayoko tingnan kapatid ko dahil naiinis ako sa mukha nya.

"Mag ayos kana ng sarili mo, kakain na tayo"

Pag katapos nya sabihin yon, umalis na din sya ng kwarto ko. Sa totoo lang ayoko bumaba para kumain, Tch. Kung hindi lang dahil sa ama ko hindi ako kakain ngayon ng hapunan. Nag hilamos ako ng mukha sa banyo at sinuklay ang buhok ko, pag katapos din non bumaba na ako.

Umupo ako sa tabi nathan, hindi ko sila tinapunan ng tingin nag sandok ako ng kanin at nag lagay ng ulam sa pinggan ko. Pipiliin ko na lang manahimik, kesa kausapin ang tatay ko. Rinig ko kinakausap sya ni kuya tungkol sa negosyo pero hindi ako nakisalo sa usapan nila.

"Dennise balita ko dumalaw dito si Lawrence, totoo ba yon?" As always hindi manlang nya ako tinanong kung kamusta ako.

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko, pinunasan ko din ang labi ko saka humarap sa kanya.

"Yes dad tama po kayo" wala gana sagot ko.

"Pinag usapan nyo ba ang tungkol sa pag kalanta ng iba panananim nyo at pag peste ng iba prutas na nakatanim don" nag taka naman ako sa sinabi nya, bakit hindi ko alam yon. Wala binanggit si lawrence tungkol don.

Bukod sa pag papahangin Kaya nya ba ako dinala don para ipakita yon. Baki ngayon ko lang narealize yon.

"Mukhang hindi nyo pa yan pinag uusapan dennise" seryoso nakatingin sa akin si daddy.

Ibinaling ko sa pagkain ko ang paningin ko, hindi ko magawa tumingin sa kanila. May nagawa na naman ako kapalpakan! Nakakahiya, bakit hindi ko manlang tinanung kay Lawrence kung kamusta na ang taniman namin. Pinairal ko na naman ang kapabayaan ko!

"Paano nyo mapapalago yon dennise, kung ikaw mismo nag papabaya. Mukha mag aaksaya lang si lawrence ng pera, lahat pa mandin ng inipon nya doon lang napapunta."

"Ano ibig sabihin nyo dad?" Naguguluhan ako.

"Kung tutuusin, wala dapat ako pakealam doon dahil wala naman ako share don, pero dahil concern ako pareho sainyo hindi ko maiwasan hindi makialam dahil sa akin din hinabilin si lawrence ng kanya magulang"

"Akala ko ba may share ka don? At saka diba buhay pa magulang nya, bakit naman ipapaubaya nila sayo si lawrence"

"Wala ako share don dennise, kay lawrence lahat yon. Ikaw ang pinili nya business partner dahil yon ang gusto nya" napailing naman sya habang nakatingin sa akin. "Madami ka pa nga hindi alam dennise"

Mag sasalita pa sana ako pero tumayo na sya. Pero nakakailang hakbang pa lang nag salita ulit si daddy.

"Kung gusto mo mag tanong tungkol sa kanya, ikaw na mismo pumunta don para mag tanong." Pag katapos non umakyat na siya.

Tiningnan ko naman ang dalawa ko kapatid pati na din si mommy, pero hindi sila umimik.

Nag pagulong gulong ako sa kama, habang nag iisip tungkol sa sinabi ni daddy, naguguluhan ako. Dapat ba ako mag tanong sa kanya o hindi. Hindi ako mapakali, ano ba nangyari sa kanya nong umalis sya, masyado pa kami bata non. Tanda ko pa nong huli ko sya makita napakasaya nya pa, ganda ganda pa ng pag kakangiti nya.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon