Ilang taon ang tiniis para hindi ka umalis.
- Nang-iwan// This Band~
"Mahal, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan, nag-aalala na 'ko sa'yo." he looked worried while checking on me.
I smiled bitterly. If only I wasn't aware of the truth. If only I didn't know what he did. Kung sana hindi ko na lang nalaman kung ano yung totoo then maybe... i'll be able to feel that he cares for me. Maybe I won't feel this way. Maybe it won't hurt this bad.
"Ayos lang ako." Pinilit kong ngumiti sa kaniya para ipakita na talagang ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi.
Inabot niya ang kamay ko saka iyon hinawakan. He held my hand so tight that it felt wrong. Mainit iyon sa pakiramdam ngunit sa halip na pagmamahal ay wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa ganito.
"Mahal kita, Red. Mahal na Mahal kita." I felt my eyes watered.
Tama na. Sana hindi niya na lang sinabi kung hindi na totoo. I wanted to believe him. God knows how much I wanted to believe him but we both know that it wasn't real anymore. Masakit man tanggapin.
Sino nga ba naman ang mag aakalang magtatapos ang lahat sa ganito lang. Parang kahapon lang ang lahat hindi ba? Parang kahapon lang nung sinabi niya sa'kin na mahal niya na 'rin ako. Parang kahapon lang noong naging kami. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng masasayang alaala namin.
Masaya naman kami. Ayos naman talaga kung tutuusin. Kaso isang araw nagising na lang ako na may iba na. Hindi na ako yung mahal niya.
Alam ko naman. Ilang beses ko na rin siyang nakita na kasama siya. At sa lahat ng pagkakataon na 'yun, walang oras na hindi siya masaya. Parang noon nga lang yata siya ngumiti ng ganoon. Iyong ngiti na puno ng emosyon. Iyong ngiti na hindi na kailangan ng salita. Iyong ngiti na ni minsan ay hindi niya naibigay sa akin.
I don't blame him though. Kasalanan ko naman. I knew from the start that it was just me who wanted this. I was aware that he just went out with me because our friends wanted him to date me. Mula pa noon ay alam ko nang hindi niya naman talaga ako mahal pero tinanggap ko lahat. I told myself that maybe it was okay.
Ayos lang naman siguro 'yun? At least nasa akin siya. I'm sure it was better than to see him with someone else. That was selfish but can they blame me? Wala e, mahal na mahal talaga ko siya. Akala ko kasi kapag naging kami baka sakali... baka magawa kong baguhin yung nararamdaman niya. Baka pwedeng mahulog 'rin siya sa'kin kapag ibinuhos ko ang pagmamahal ko.
Baka sakali. Just maybe. Baka naman. Siguro. Lintik na mga words of hope. Masyado akong pinaniwala. Akala ko talaga posibleng maturuan ang puso na magmahal.
Or maybe it was somehow possible. Hindi lang siguro talaga ako kagusto-gusto kaya kahit dalawang taon kong ipinilit yung sarili ko sa kaniya, hindi niya pa 'rin ako nagawang mahalin.
How ironic is it that I threw myself at him everyday for two years straight just to find out that he fell for someone he just knew months ago.
Parang gusto kong murahin ang mundo. But I won't. Baka naman kasi kasalanan ko talaga.
Naging masaya naman ako sa kaniya sa loob ng dalawang taon na iyon. Sobra niya akong inalagaan na umabot sa puntong akala ko nakuha ko na yung puso niya. Kaso parang bigla akong pinukpok sa ulo dahilan para matauhan ako.
Oo nga pala, ganoon naman siya sa lahat. It was his nature to be sweet and caring to the people around him. And I am no different. Label lang ang inilamang ko sa kanila at kung tutuusin exclusivity lang naman ang benefit. Parang resibo lang para masabi kong akin na siya. Na pagmamay-ari na. Na hindi na pwedeng makuha ng iba. Or that was what I thought.
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomantikRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...