Chapter 31

347 6 3
                                    

There's always that one person that will always have your heart.
My boo// Usher ft. Alicia Keys

~

"What?" Taka kong tanong nang masalubong ang masamang tingin ni Gia sa akin.

Kanina ay nagpaalam na kaming magkakaibigan sa isa't isa at nangako na lamang na magkikita muli. May nakatunog kasi yata na nakauwi na ako sa Pilipinas at mas lalo pang gugulo dahil naroon din ang pinsan ko. Pareho kaming inaabangan ng media.

Inayos ko ang upo sa backseat at siya naman ay nasa akin pa 'rin ang paningin. My cousin is busy driving.

"Don't what me, Red. Ano iyong kanina?"

Taka ko siyang tiningnan. "Alin ba?"

"I'm sure you're not dense. Ice is clearly hitting on you!"

"Ganoon ba?" Humikab ako. "Hindi ko napansin e. Saka ano naman ngayon? As if naman papatulan ko siya ulit."

She stressedly looked at me and masaaged her temple. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Reject him as soon as you can! Nakakasakit ka, Red."

"What? I'm not even leading him on! Ano ka ba?! I don't have time to date."

"But still!"

"Ano ba kasing problema Gia? Kakauwi ko lang at pagod pa ako. Naiinis na ako sa topic na ito." I really am annoyed.

Bumuntong hininga siya. "I am in no position to tell you anything but let me ask you something. Gusto mo pa ba si Ice?"

"Ikaw mismo ay masasagot ang tanong na 'yan Gianna."

"Oo, at sa pagkakaalam ko ay hindi mo siya gusto. Kaibigan ko 'rin si Isiah, Red. Ayaw ko na umasa iyong tao. Hindi lang kayong dalawa ang involved dito."

Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?"

I remember him talking about some supermodel. Does he have a girlfriend? Or is he talking about me?

"Wala, Red. Nevermind." Bumuntong hininga siyang muli na para bang mayroon siyang hindi masabi.

Dahil na 'rin sa pagod ay hindi ko na sinubukan pang ipagpatuloy ang topic.

Malaki ang ngisi ko nang ako ang unang ihatid ni Justin. Nice one cousin dear! Take this opportunity to talk to my bestfriend.

Bagamat mabigat ang bagahe ay hindi na ako nagpahatid mismo sa loob. Iyon na din ang tulong ko para makapag usap sila. Mabuti at sinalubong ako ng guards at sila na ang nagbuhat ng mga iyon.

"I'm home!"

Bakas ang gulat sa mukha nila Daddy nang makita ako. I didn't tell them i'm going home today so they're really surprised. Even my grandparents are.

Bumeso ako kay Daddy saka lumapit sa Lolo at Lola ko upang humalik at magmano.

"Na-miss kita, apo." Lola Dencia warmly carressed my face.

"Me too, Lola."

"I assume you'll be staying here for good, now? Kailangan ka na ng kumpanya, Renesme." My Lolo seriously asked.

Bumuntong hininga ako. "Give me one more year to finish all my pending works and say goodbye to them Lolo. Pero aaralin ko na po ang lahat ng tungkol sa kumpanya para sa isang taon ay kaya ko nang ihandle."

"Bakit isang taon pa? Why not this year?"

"I can't just leave my work, Lolo. May mga commitments na po ako."

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon