Chapter 4

521 10 0
                                    

Now I feel lost, don't know what to do. Each and everyday I think of you. Holding back the tears and crying with all my might.

- Before I Let You Go// Freestyle

~

I don't know what to text him. 

Ano pa nga ba kasi ang sasabihin ko? Do I beg him to take me back? After dumping him, really?

Pero nauna naman niya akong ibinasura, takot lang siya na itapon ako.

I sighed. I should try right? Mahal ko talaga siya e. Mahal na mahal ko siya kaya bahala na kung magmukha akong tanga. Ayos lang siguro na hindi niya ako mahal, matututunan niya pa 'yon. Di'ba? Wala namang imposible?

Nilakasan ko na ang loob ko at nagsend na ako ng message sa kaniya.

To: Ice

Can we talk?

Halos sampung minuto 'rin akong naghintay bago siya nagreply.

From: Ice

Sure.

I took that as a cue and decided to call him. Sinagot niya naman iyon kaagad.

"H-hello?" One word and i'm already tearing up. That's how devastated I am.

Narinig ko ang buntong hininga niya. "Hello."

"Love..." Hindi ko na napigilan ang paghikbi matapos sabihin iyong endearment ko sa kaniya. It just hurts so much.

Naninikip ang dibdib ko sa sobra-sobrang emosyon na nararamdaman.

"B-binabawi ko na iyong sinabi ko! Please.. w-wag na tayong maghiwalay. Hindi na ako magagalit kahit kailan. Just please... please take me back." Halos nagmamakaawang sabi ko sa kaniya.

I sounded pathetic but that's the least of my concerns. I can be pathetic for all I care. Ang mahalaga lang ay mabawi ko siya.

"I'm sorry." Iyon lamang ang nasabi niya.

Napatawa ako ng mapakla. Of course, he won't take me back. May preso bang magkukusang bumalik sa kulungan matapos makalaya? I'm an idiot.

"May... iba na ba?" This time I gathered all my courage to ask him. May kutob naman na ako pero iba pa 'rin kung sa kaniya ko maririnig.

Hindi siya agad nakasagot kaya muli kong inulit iyong tanong.

"Ano? Meron na ba? Answer me Ice! May iba ka na bang mahal?"

"W-wala!"

"Then take me back! Anong problema bakit ayaw mo?" I asked him frustratedly.

"It's not you, it's me."

"Bullshit na linya yan Ice! That won't fucking work on me! For pete's sake, don't even dare fool me with that!"

"A-aayusin ko muna ang sarili ko." I heard him sigh. "I can't take you back like this, Red. Pangako, aayusin ko lang ang sarili ko at kukunin kita ulit. Sana lang pwede pa."

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon