O kay sarap sa ilalim ng kalawakan, kapag kapiling kang tumitig sa kawalan.
Klwkn// Music Hero~
"Anak, medyo tumatanda na ako at napapagod na 'rin sa araw araw na biyahe pa-maynila. Doon na muna ako uuwi sa bahay natin sa BGC. Will you come with me there?" Malambing na yaya sa akin ni Daddy.
I sighed, "I'm studying, Daddy. I guess i'll stay in my apartment for the mean time."
"You can study there." He suggested.
"Next year, Daddy. Tatapusin ko na muna itong school year." Tumango siya.
"You'll stay here alone? Why not stay at your grandparent's house? Ayokong maiiwan ka dito mag isa." Nag aalalang sambit niya.
Ngumuso ako, "Malayo na nga po itong bahay natin sa school, ano pa doon sa bahay nila? I can live alone in my apartment naman po. Gamit ko na lang naman ang kulang doon."
"Are you sure? Don't you want to stay with your Mom?"
"Hell no!" Agad kong pagtanggi.
"Okay. Then i'll ask Eros to stay with you." My Daddy sighed.
"Daddy, ayoko! I can live alone.. please. Hindi ako papayag sa ganoong set up. It's not appropriate." Pagtutol ko. Totoo naman kasi. "And his life is in Manila. He works there. His school is there. We can't cage him here."
"Okay. Kung ayaw mo ay hindi kita pipilitin." Pagpayag ni Daddy. "But you promise me, no monkey business okay?"
"Daddy naman! Di ako ganoon! Saka paano ko pa magagawa 'yon kung busy ako masyado." Nakanguso kong reklamo.
"What keeps my baby, busy?" Malambing at nangingiting tanong ni Daddy.
"Studies po, siyempre! Second sem na at may thesis na po kami. I'm studying hard so you will be proud of me."
"I'm always proud of you." He told me. "Kamusta na pala kayo ni Eros?" Bigla ay seryosong pagtatanong ni Daddy.
"We're getting along, slowly." I truthfully said.
During these past months, halos palagi kaming magkausap ni Eros sa telepono kung hindi siya nakakapunta rito. Aaminin kong ngayon ay maayos na ang isip ko at tanggap ko na itong sitwasyon na mayroon kami. Bakit pa nga ba ako aayaw kung mahal ko naman siya? Masuwerte pa nga ako kung tutuusin.
"That's good. Your Lolo and Lola will be happy." Satisfaction is evident in Daddy's face.
Napangiti ako. It makes me happy everytime I see my Daddy happy.
"What about you? Are you happy with him?" Bakas ang pag aalala sa tanong niya.
I smiled at him, "Opo, Daddy. Sobrang masaya po."
"That's good." Nakangiting aniya. "Can we talk about the engagement now?" Parang nag iingat na tanong ni Daddy sa akin, he doesn't want me uncomfortable.
"Ayos lang naman po." I answered, "Nabanggit din po ni Eros noong nakaraan na uuwi ang parents niya next week."
"Ah oo, nabanggit nga nila sa akin iyan." My father nodded. "Ayos lang ba sa'yo kung magkakaroon ng dinner next week?"
It warms my heart that he is asking for my permission. My Dad spoils me too much.
"Opo. Nakausap ko na 'rin naman po over skype ang parents ni Eros. Mabait po sila." Nangingiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomanceRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...