Chapter 28

310 6 13
                                    

And I know it's long gone and that magic's not here no more.
And I might be okay but I'm not fine at all.
-All Too Well// Taylor Swift ft. Ed Sheeran

~

"Daddy, i'm really sorry for the inconvenience."

Halos iumpog ko ang sarili dahil dinumog ako sa airport dito sa Seoul. Bakit ba kasi hindi pa ako nasanay? Public figure nga pala ako kaya hindi ito malabo.

I just didn't expect that i'll really be surrounded by too many reporters. Hindi naman kasi ako artista. Tuloy ay kinailangan ko pa ng bodyguards.

"Why? What happened?"

"I'm stuck here, Daddy. Maraming reporters sa labas." I almost facepalmed.

"Nakababa ka na ba? Mag ingat ka ha? May guards ka ba diyan?" My Dad sounds worried.

"Opo, nakahilera na sila. Anyway Daddy, ibababa ko na po muna ito. Hindi 'rin ako pwedeng magtagal dahil marami na ang naaabala ng media."

"Okay, anak. I'm really glad na mayroon kang guard na kasama. At least you're safe." He ended the call.

Diretso akong naglakad papunta sa sasakyan. I'm glad I dressed up. At least maayos ang mga litrato na lalabas. I tried to smile even when i'm totally annoyed. This is so inconvenient!

Nang makasakay ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag. I dialed Crisa's number immediately.

"Sumunod ka na dito. Sagot ko na." Inis na sabi ko.

"Huh? Bakit? May nangyari?"

"Dinumog ako sa airport. Now I can't have my vacation peacefully." Napamasahe ako sa sariling sentido.

Natawa siya bago muling nagsalita. "Magpapasalamat na ba ako sa kanila?"

"Just book your damn flight and get your ass here immediately! Tatapusin ko lang ang concert at uuwi na ako ng Pilipinas."

Damn it! I had no choice. Mas makakapahinga ako roon ng maayos kaysa dito na paniguradong dudumugin ako ng reporters.

"Oo na sige."

Agad akong nakatulog sa bahay pagdating. I'm really glad my father bought a house here years ago dahil dito ko palaging gusto na magbakasyon.

Aside from the fact I love the place and the culture, I also love the food. And BTS, of course. I have always been their fangirl. At aaminin kong nakatulong ang mga kanta nila sa unti unti kong pagrecover.

"I hate you, Red." Iyon agad ang bungad ni Gia pagsagot ko sa tawag niya.

Taka ko siyang tiningnan. "Inano kita?"

"Hindi ko pa malalaman na nasa Seoul ka kung hindi ko nakita ang pictures mo sa internet." Nakanguso siya nang sinabi iyon.

"Fine! Sorry na. Nawala sa isip ko." I continued to put my moisturizer.

"Ganyan ka naman! Akala mo ba ay napatawad na kita? Pinagpalit mo na 'ko!"

Natawa ako sa kaniya. Akala ko ay napag usapan na namin iyong tungkol kay Crisa. Ipinaliwanag ko naman sa kaniya na assistant ko iyong tao at siya pa 'rin ang bestfriend ko pero ayaw niyang maniwala. She kept on insisting that Crisa is my new bestfriend.

"Hindi nga kasi." Naiiling ko siyang tiningnan. "Oh, wow! Tumaba ka." Iyon agad ang napansin ko dahil halos tatlong buwan kaming puro texts. Busy kasi ako masyado at ganoon 'rin siya.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon