Chapter 32

364 7 7
                                    

Ain't never felt this way.
Can't get enough so stay with me.
ILYSB// Lany

~

"Sinabi niya 'yon?"

I don't understand why Gia sounds so giddy and excited. Kaka-off niya lang sa duty habang ako ay katatapos lamang dumalo sa zoom meeting. It was about the launch of the Vogue Issue where I am the cover and it's happening next week.

Ngayon ay napagdesisyunan kong makipagkita kay Gia sa condo niya.

"Yeah. Why do you sound so excited anyway? Baka nakakalimutan mo ang lahat ng nangyari noon?" I rolled my eyes at her.

She got another slice of pizza and took a bite before answering me. "Red naman! Hindi mo pa ba alam? Hindi nga siya yung tatay ng anak ni Cara! Ipina DNA agad ni Madam Emilianna iyong bata pagkalabas at negative ang resulta. Naku kung alam mo lang ang galit ni Madam Emi noon." Naiiling na aniya habang ngumunguya.

"Don't talk when your mouth is full." Binato ko siya ng tissue. "Anyway, totoo ba 'yan?"

"Oo nga! Alam mo bang ang alam ng lahat dito ay hindi naman kayo naghiwalay ni Eros? Sikreto lang naman kasi iyong isyu kay Cara. Didn't you tell me the reporters tried to ask you about marriage or something last week?"

Kumunot ang noo ko at saka ako tumango. "Hmm.. anong mayroon doon?"

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nila naitanong iyon?"

"You know what, that's right. Where did they get that stupid idea." Napaisip ako bigla doon.

"It's because everyone's expecting you to get married once you come back. Noon pa man ay sinabi na ni Eros na pakakasalan ka niya kaya bagamat marami ang mga babaeng may gusto at naghahabol sa kaniya ay alam ng lahat na taken siya. He's just waiting for you the whole time." Kaswal ngunit may bahid ng kaseryosohan na aniya.

Napatigil ako roon. Do I believe that? Kung sakali man na totoo, sapat bang dahilan iyon para balikan siya? I myself isn't even sure what to do yet. Ang alam ko lang ay nasasaktan pa 'rin ako at ikinaiinis ko iyon dahil pakiramdam ko ay napakababaw ko para maramdaman ito.

Bumuntong hininga ako saka walang ganang sumagot. "Ganoon ba?"

Ibinaba niya iyong kinakain saka ako pinanliitan ng mata. "Teka nga Renesme. Anong meron at hindi mo magawang patawarin yung tao? Kung tutuusin ay wala siyang kasalanan sa'yo bukod doon sa hindi niya agad nilayuan si Cara." She sighed. "I'm not being biased here but why is it so easy for you to forgive Ice when it's as clear as his name that he did you wrong? Tapos si Eros na napagbintangan lang sa isang kasalanan na hindi niya ginawa ay hindi mo mapatawad?"

Nalunok ko ang sariling laway. It was as if she slapped me with a truth that I never wanted to accept. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

"It wasn't just like that. Y-you'll never understand." Umiwas ako ng tingin.

"Try me, Red." Seryosong aniya.

"How do I explain if I, myself, can't understand why?" Naramdaman ko ang pangingilid ng luha kaya pumikit ako ng mariin saka huminga ng malalim. "Can we not talk about that for now?"

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon