Chapter 12

399 6 0
                                    


He pulls me in enough to keep me guessing.
If I Can't Have You// Shawn Mendez.

~

"Napapadalas naman ata ang daan mo dito?"

Kagigising ko lang at si Cupid agad ang bumungad sa'kin. Sino bang nagpapasok sa kaniya? Si Daddy? Tss.

Ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong pinapasok ang kwarto ko ng walang paalam. Lalo na't tulog ako. Agang aga tuloy at mainit ang ulo ko.

"May project ako sa Nasugbu." Kibit balikat na sabi niya.

"Ah? Ganoon? Sa Nasugbu pala? E bakit nandito ka? Malayo 'rin ang Tanauan sa Nasugbu 'wag mong sabihin na napadaan ka na naman?" Inis na singhal ko sa kaniya.

Halos wala pa ako sa sarili at nandito na agad siya? Ni hindi pa nga ako nakakapaghilamos man lang dahil saktong pagbangon ko ay ang pagbubukas naman niya ng pinto. Hindi ko alam kung sinong nagpapasok sa kaniya.

Ayos 'rin ang trip ng isang 'to, hindi ko nagugustuhan.

"Okay, I won't." He gave me a head to toe glance. "Ang high blood mo agad, maghilamos ka nga muna!" Humahalakhak na sabi niya.

"Ayoko nga! Bakit mas marunong ka pa? Sino bang nagpapasok sa'yo dito?" Talagang hindi ko mapigilan ang magtaray dahil naiinis ako.

"Si Daddy.."

"Daddy your ass! Assuming ka! Asa ka naman na papapasukin noon." inirapan ko siya.

"Pero totoo nga, si Tito ang nagpapasok sa'kin."

Taka ko siyang tiningnan, "May trabaho si Daddy. Maids lang panigurado ang nasa baba, 'wag kang magsinungaling."

"But i'm telling the truth. Inihabilin ka pa nga niya sa'kin bago siya umalis." Inismiran ko siya at tinawanan niya lamang ako.

Bumangon ako at tuloy tuloy na nagpunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Iniwan kong bukas ang pinto kaya kita ko siyang pinapanood ako sa ginagawa.

Habang nagpupunas ng mukha ay saka pa lamang ako natauhan. Nakita niya ako sa itsura ko ng bagong gising. Isang daang porsiyento ang pagkasugurado ko na hindi kaaya aya ang itsura ko kanina. Maaaring may muta pa at panis na laway.

Hindi iyon okay sa akin pero hindi ko 'rin maintindihan kung bakit hindi man lamang ako nailang na nakita niya ako sa ganoong ayos?

I don't know if that's because i'm comfortable around him or it's really just because I don't have feelings for him. Alam ko kasi na kung si Ice ang kaharap ko ay maiilang ako pero hindi ko man lang iyon naramdaman sa kaniya.

It felt weird to me but i'm sure that he's weirder. Sino ba naman ang nasa tamang pag iisip na nakakita ng bagong gising, walang hilamos o sipilyo, magulo ang buhok at mataray pa, pero kung tingnan niya ay parang anghel na saksakan ng ganda?

Iba nga talaga ang takbo ng utak ng isang 'yon.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Ngayon ay mahinahon ko nang tanong sa kaniya.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon