And if you could only let it be, You will see.
Complicated// Avril Lavigne~
"Hindi ka ba kakain?" Natatawang tanong sa akin ni Gia habang nilalantakan ang wings sa harapan niya.
Kingina, ngayon pa nagtanong e halos ubusan na niya ako?
"Hindi na, sige lang at kulang pa yata sa'yo. Basta busog ka." Inis kong sabi sa kaniya at pinagdiskitahan na lang ang inorder kong buko shake.
Pwede naman akong umorder ng panibago pero wala 'rin kasi akong gana.
"E bakit parang masama naman yata ang loob mo?"
"Hindi ah!" Nginitian ko pa siya ng napakalawak.
"Oh, okay." Sabi niya saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Busy akong panoorin ang katakawan niya ng biglang tumunog ang cellphone ko. It was Jack calling me.
"Oh?" Pagsagot ko sa tawag.
"Nasaan ka babygirl?" This flirt, really.
"Babygirl my foot." I rolled my eyes. "Bakit?"
"Nasa batangas ako!" Pag iinform niya sa akin.
"Ah ganon.." bagot kong tugon.
"H-hoy! Di ka man lang ba excited na makita ako?" Gulat ang boses niya.
"Hindi. Bakit naman ako maeexcite?" Adik 'rin yata ang isang ito e.
"Aray ko naman! Para namang wala tayong pinagsamahan." He didn't sound hurt at all.
"E bakit ba kasi? Hindi naman siguro ako ang ipinunta mo dito kaya bakit ako ang hinahanap mo?" Asar na tugon ko sa kaniya.
Kainis naman, ngayon na nga lang kami nakalabas ni Gia ulit ng kami lang tapos eepal pa siya.
"Oo nga, pero hinahanap—"
"Sinong kausap mo Red?" Hindi ko na tuloy narinig ang sinabi ni Jack dahil sa biglang pagsingit ni Gia. Sinenyasan ko siyang manahimik at agad naman naiyang sinunod.
"Sorry!" She mouthed. Tumango lamang ako.
"Ano ulit 'yon Jack?" Pagpapaulit ko sa sinabi niya kanina.
"Huh? Wala! Wala akong sinabi hehe. Sige na nasaan ka ba?" I'm sure he said something but I decided to let it go. Hindi naman siguro importante.
"Robinsons. Why?" Pagsuko ko. Hindi 'rin naman niya ako titigilan kung hindi ko sasabihin.
"Lipa?" Paninigurado niya.
I rolled my eyes, "Tanga lang? May Robinsons Tanauan ba dito?"
"Oh ba't galit?" Humahalakhak na sabi niya.
"Bwisit ka ah! Nagsisimula ka na naman!" Singhal ko sa kaniya.
"Okay! Bye my Red, puntahan ka namin diyan. I'll text you! Bye! Love you!" Binabaan niya na naman ako ng tawag.
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomanceRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...