She wears high heels, I wear sneakers. She's cheer captain and i'm on the bleachers.
You Belong With Me// Taylor Swift.~
"Okay, that's great Ross! Fiercer! Tingnan mo ang camera na kunwari ay sobrang ganda ng nasa harapan mo!" The photogapher directed him.
Propesiyunal niya iyong sinunod at talagang gusto kong humanga dahil kita sa kaniya ang pag eenjoy sa ginagawa. Kalmado niyang sinusunod ang bawat ipinagagawa sa kaniya at paminsan minsan pang ngumingisi sa tuwing napupuri.
Seeing him doing what he love somehow warms my heart. Sana balang araw ay mahanap ko 'rin iyong bagay na gusto ko talagang gawin. Hanggang ngayon kasi ay ligaw pa 'rin ako at nalilito sa sariling pangarap. Even with the strand that I will take this school year, I am still undecided.
"Talagang magaling ka, Ross! Hihintayin ko talaga ang mas lalo mo pang pagsikat. You're young yet successful! I can't wait to see you become even more successful!" Tuwang tuwa na sabi noong bading na sa tingin ko ay siyang may hawak ng project na ginagawa niya.
Nakaupo ako sa isa sa mga sun lounger hindi kalayuan sa shooting area niya. Pinili kong maupo rito sa halip na doon sa tent kahit na doon ako pinauupo ng manager ni Cupid dahil ayaw kong maissue. Hindi na 'rin kasi maitatanggi na kilala talaga si Eros sa industriya lalo na at madami na 'rin siyang napatunayan sa kabila ng batang edad.
I actually don't mind and I don't really care about that. I'm just worried because I may taint his name. My father may own a company but it's his. Wala pa akong napapatunayan sa sariling sikap kaya hindi ito magandang pagkakataon para maissue sa kaniya. Lalo na at marami 'rin akong nagawang kalokohan noon.
"And that's it! Great work, Ross!" Papuri sa kaniya ng photographer at director. Tipid siyang ngumiti ngunit hindi sumagot. Dumiretso siya sa manager niya na inabutan siya ng T-shirt saka bumulong doon.
His manager answered him and he started to search around the place. Patuloy ang paglinga niya na parang may hinahanap at hindi ko maiwasan ang matawa dahil ang cute niyang tingnan. Wait, is he actually looking for me?
Nagkasalubong ang paningin namin at mukha namang nakahinga siya ng makuwag dahil doon. Naisip niya bang aalis ako ng walang paalam?
Binabati pa siya ng ilang mga staff doon pero hindi na niya iyon pinansin at sa halip ay diretsong naglakad patungo sa kinauupuan ko.
Isang bagay pa na napansin ko sa kaniya ay ang pagiging tahimik at masungit kapag iba ang kaharap. Ayaw ko pa ngang maniwala sa nakita dahil napakakulit niya kapag ako ang kasama. But then I remembered. He's also like that when we first met. Masungit.
"So.. what can you say?" Naroon iyong pagyayabang sa ngisi niya.
"Hmm.. you're good. There's no denying." I sincerely complimented him.
"Am I?" Kunwari ay inosente pa niyang pagtatanong.
Natawa naman ako roon, "You are, Cupid. Good job!"
This time he warmly smiled. Hindi ako makapaniwala na sa akin niya pa iyon ibinigay. Marami na 'rin kasi ang bumati sa kaniya kanina ngunit puro tipid na ngiti o di kaya'y ngisi lamang ang ibinibigay niya sa mga iyon. The demigod is really smitten, I guess.
Mukhang isang buong bansa yata ang iniligtas ko sa past life dahilan para pagpalain ako ng ganito.
I sighed.
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomanceRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...