Chapter 15

328 6 2
                                    

If you get the chance you better keep her.
- Dark Horse// Katy Perry

~

Two whole months have passed since I last talked to him.

I had a great escape since dalawang buwan kaming nagbakasyon dito sa Korea. I also changed my number and took a social media break. The only person i'm contacting in the Philippines is Gia. Sinisigurado kong sa bawat pag uusap na iyon ay walang Eros na mababanggit. Though she tried to open it once, noong napansin niya na ayaw ko iyong pag usapan ay hindi na niya muling inulit pa. Kahit si Jack ay hindi ko kinausap.

Sa dalawang buwan na iyon ay nakapag isip ako. I guess I really loved Eros in that short span of time. Napagtanto ko 'rin na mukhang matagal na ngang nawala iyong nararamdaman ko kay Ice. I'm not sure when I exactly fell out of love from him. Siguro ay iyong mga panahon na alam ko na iyong tungkol sa kanila ni Patrice.

Should I be guilty? We were in a relationship for two years yet my reaction to what Eros did is a lot more severe. Kung tutuusin nga ay wala namang mali doon dahil hindi naman kami. But it really hurt me. In denial lang talaga ako noon.

Mamaya ang uwi namin ni Daddy. Kung tutuusin ay sa isang araw pa nga sana pero dahil pasukan na next week ay kailangan na talagang umuwi.

Ipinaasikaso naman ni Daddy ang requirements at uniform ko sa secretary niya kaya wala na akong ibang iintindihin kundi ang mamili ng gamit at pumasok.

The flight is exhausting for me. Hindi naman ganoon kalayo ang pinanggalingan pero napagod pa 'rin ako. We visited my grandparents house first to give them our pasalubong. Doon na 'rin namin iniwan ang pasalubong para sa mga tito, tita at pinsan ko.

I was too tired so I decided to sleep in my room here while they were catching up downstairs. Hindi na 'rin ako nag abala pa na magpalit ng damit at diretso nang natulog.

Mainit ang ulo ko nang ginising bandang alas tres ng hapon. Nabitin ang tulog ko kaya nasigawan ko ang bago yatang kasambahay ng hindi sinasadya bago pa man niya masabi ang dahilan ng kaniyang pambubulabog.

"Ma'am Red, pasensya na po kung naabala ko ang tulog niyo pero pinabababa po kasi kayo ng Lolo niyo. May bisita po kayo." Mukhang takot na sabi ng dalaga.

I sighed, "Okay. Makikisabi bababa na ako. Sorry for shouting at you. What's your name?"

Mukhang nagulat siya sa paghingi ko ng paumanhin. Is it really shocking? Nagkamali ako kaya humingi ako ng tawad. Wala naman dapat nakakagulat doon. I guess she thought it was normal for people like them to be mistreated. Nakakalungkot.

"Crisa po. S-sige po ma'am, sasabihin ko po." Magalang na aniya.

"Hmm. Salamat Crisa." Mahinahon kong pasasalamat bago siya sinenyasan na lumabas na ng kwarto.

That girl is absolutely new. Alam ko dahil ngayon ko lang siya nakita. Mukhang kaedad ko lang yata siya.

Sometimes it really pains me that I am too privileged and yet there are those like her who needs to work despite the young age just to earn a living. Hindi talaga unfair ang mundo, ano?

Thinking about those things make me feel grateful about the things that I have right now. Kung pwede nga lang sana na lahat na lang ay maranasan ang ginhawang dinaranas ko.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon