We're driving down the road, I wonder if you know i'm trying so hard not to get caught up now
- Fearless// Taylor Swift~
"Kanina ka pa lumilingon ah? Sino bang hinahanap mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Gia.
"Huh? Wala ah." Sabi ko ngunit inililibot pa 'rin ang paningin.
Katatapos lamang ng graduation ngunit naiwan kami rito para makapagpaalam pa ng maayos sa isa't isa. Pinauna ko na kanina pa si Daddy dahil nakakahiya ang pagdalo ng media dahil sa presensya niya at ganoon din naman ang ginawa ni Gia kay Mami at Dadi. Ang sabi ko ay sabay na lamang kaming uuwi kahit na ang totoo ay magiging third wheel na naman ako sa kanilang magjowa.
"'Wag mo nang hanapin, hindi ka nga hinahanap e!" Humahalakhak na sabi ng pinsan kong si Justin, Gia's boyfriend.
"Tangina ka ah! Manahimik ka diyan baka di kita matantya." Gigil na sabi ko sa pinsan kong may pang asar na ngisi.
"Hindi ka naman talaga hinahanap no'n! Kinalimutan ka na nga e." Patuloy na pang aasar pa 'rin niya.
"Ah ganoon? Sige okay lang at least wala akong nililihim sa jowa ko." Nakangisi kong pagbabalik sa kaniya.
Natahimik siya nang matumbok ko iyong isang bagay na hindi niya masabi kay Gia. Sinabi ko lang naman iyon para asarin siya. I respect my cousin's decisions so he can trust me to keep quiet. Besides, it's not my story to tell.
"Foul ka, Red." Nakasimangot na siya ngayon matapos makita ang pag iiba ng mukha ng girlfriend niya.
"Sabi ko naman sa'yo 'wag mo akong pinipikon e." Ako naman ngayon ang humahalakhak.
Nilingon ko si Gia na talagang nakasimangot na at hindi pinapansin ang pinsan ko.
"Joke lang 'yon bebe girl 'wag ka na mag-overthink." Tatawa tawa kong pagbawi saka sila iniwan doon. Bahala na silang magtalo, panigurado naman na magbabati din sila.
Hindi ko na siya nakita at ngayon ay sigurado akong baka nakauwi na nga siya. Nakasalubong ko pa si Patrice na ngumiti sa akin ngunit hindi ko pinansin.
My blouse is full of my friends' and classmates' signs. Para kasing tradisyon na iyon. Sabagay, no one will use my uniform after me because I don't have a younger sibling. I am in fact an only child so it's fine. Isa pa, this will be a good souvenir. Mukhang ipapaframe ko ang blouse na ito sa susunod na mga araw.
"Ano? Tara nomas? Sa inyo Shai? Sige na minsan lang mag graduate e." Pag aaya ni Brent, kaibigan din namin.
"Mamaya ba? Osige! Ano, Red? G ka?" Baling sa akin ni Shai.
"Hindi ko pa alam e... siguro kung bukas gagawin ni Daddy yung congratulatory party ko then makakasama ako."
"O ayan ha? Set na... sige tol kita na lang sa inyo mamaya, mauna na kami dahil may family lunch pa." Paalam ni Brent sa amin.
Now i'm left with Shai, Gia, and Justin.
"Hindi ko pa nakikita si Angela at Anne kaso mukhang umuwi na. Sayang naman." I'm really looking forward to congratulating my friends. Malas lang talaga at hindi na kami nagkasalubong.
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomanceRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...