Chapter 25

308 5 6
                                    


Pinagdarasal ko sa'king puso, na mabura ka sa isip ko.
-Porque// Maldita

~

"Red, umayos ka nga! Normal ang umiyak. Hindi mo kailangan itago ang nararamdaman mo! I'm getting worried, hindi 'yan makakabuti sa sitwasyon mo!"

Nginitian ko lamang si Gia at hindi na siya sinagot. Dalawang buwan na pala ang nakalipas mula noong huli kaming mag usap ni Eros.

Dalawang buwan na, pero wala pa 'ring nagbabago. Ganoon pa 'rin kasakit.

"Red naman!" Minasahe niya ang sentido na animo'y masyado siyang stressed sa sitwasyon ko.

"I'm fine, Gia. You don't have to worry." I smiled to assure her.

No, Gia. I'm not fine at all. Please help me. I'm dead tired but I can't do something about it. I can't even speak my real emotions. I want someone to save me from this loneliness.

Araw araw kong tinitiis mag isa ang sakit dahil hindi ko kayang magsalita. I feel like no one will understand how I feel. They might just judge me or think that i'm being cynical. I'm afraid to speak up. I didn't think time will come that i'll be afraid to speak up for myself.

"Malapit na ang recognition, Red. Sigurado ka na ba talagang hindi aattend?" She asked.

Tumango ako, "Oo. Araw na 'yun ng flight ko e."

Bumuntong hininga siya, "As much as I want to stop you, I won't. I know you need that, Red. Pero huwag mo akong kakalimutan ha? Ako pa 'rin ang bestfriend mo. Subukan mo lang talaga na maghanap ng iba at sasakalin kita!" Pagbabanta niya na ikinatawa ko.

"You'll always be my bestfriend, Gianna Gomez. You don't need to worry about that."

"Malayo ang Los Angeles mula dito, Renesme Daine. Mag iingat ka doon ha? At utang na loob! Mag aral ka na lang muna. Huwag ka munang humanap ng landi doon dahil ayaw kong masaktan ka na naman! Hindi ako kaagad makakapunta doon kung sakali!" Gia and her advanced mindset.

Naiiling ko siyang tiningnan, "Tingin mo ba makakahanap pa ako ng iba matapos yung nangyari? I don't have plans to look for someone else anymore." Bumuntong hininga ako. "Baka magmadre na lang ako." I joked.

She chuckled. "I doubt that! Anyway, I have to go. Magkikita kami ni Justin e. See you! Iinom ka ng gamot ha?"

She kissed my cheek before she finally left. Napalingon ako sa mga gamot sa lamesa. Right.

Last week ay lihim akong nagpasama kay Gia sa doctor. No, not to an obgynecologist. Regular akong dinatnan kaya malabo na ang posibilidad na buntis ako. Though, i'll admit that I really wished I am. Baka kasi pwede na ulit na maging akin si Eros kung sakali.

We secretly went to a psychiatrist. Hindi ko kasi kinaya ang lungkot na nararamdaman at halos ikabaliw ko talaga iyong nangyari kaya kinailangan kong magpakonsulta. I didn't know it will be this bad.

The doctor adviced me to consult to her at least once a month. Kinausap ko siya na huwag sasabihin sa pamilya ko abg tungkol doon at pumayag naman siya, kapalit nga lang noon ay kailangan kong bumisita sa kaniya kada buwan para masigurado niya na maayos ako.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon