Chapter 24

282 4 4
                                    

How can you hurt me this way? Everything I knew, was loving you.
How could you try pretending, your love was never ending.
Now you can't even say that you will stay.
How Could You Say You Love Me// Sarah Geronimo.


(Should I say, ready your tissues?)

~

Sa halip na umuwi sa bahay ay pinili kong dumiretso sa bahay nina Eros. I need to hear his side first. Ayaw kong magconclude agad.

"Manong Jaime, sa bahay po tayo nina Eros." Pinilit kong patatagin ang boses upang hindi sila makahalata.

Mukhang nagulat siya pero agad din namang nakabawi. "Sa Maynila po ma'am?"

Tumango lamang ako.

I tried to call Eros but he's not picking up. Kita ko mula sa peripheral vision ang nag aalalang mukha ni Gia pero hindi ko na iyon magawa pang intindihin. I gave her a tight smile to assure that i'm fine even when i'm not.

Huminga ako ng malalim nang tumawag si Daddy. Bagamat nanghihina ay sinagot ko iyon.

"Daddy.."

Narinig ko ang buntong hininga niya, "Anak, nasaan ka?"

The moment I heard my father's voice, I felt like a lost child. 

"Pupuntahan ko po si Eros, Daddy." Hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko. Gia worriedly carresed my back.

"Anak, 'wag na. Umuwi ka na dito, please. Nandito si Daddy, hindi kita pababayaan." 

Mariin akong umiling kahit na hindi niya ako nakikita. Kailangan kong makausap si Eros. I need to know why he had to back out.

"Daddy pupuntahan ko po si Eros." Pag uulit ko.

Nagulat ako nang magalit si Daddy. This is the first time I heard him this mad. "Hindi mo pupuntahan si Eros, Renesme Daine. Tapos na ang koneksyon natin sa pamilyang iyon." Matigas ang boses niya at mukhang hindi maaaring baliin ang sinabi.

Tumakas ang isang hikbi mula sa akin, "Daddy, kailangan ko pong malaman kung bakit. Hayaan niyo po akong makausap si Eros. Mahal niya ako Daddy.."

"Huwag matigas ang ulo mo, Red. Umuwi ka dito at kami ang magpapaliwanag sa'yo."

"Please Daddy.." I'm desperate. Eros loves me. He won't do that. Baka nagkamali lang ng dinig si Daddy.

"Uuwi ka dito, Red."

Wala akong nagawa nang patayin ni Daddy ang tawag. Narinig ko na lang na kausap niya ang driver at ang susunod ay tinatahak na namin ang daan pauwi.

"I'm here, okay? Hindi ko alam kung anong nangyayari pero dito lang ako. I won't leave you Red." Gia assured me. Wala akong lakas kaya tanging pagtango na lamang ang naitugon ko.

Tulala ako hanggang sa pagpasok ng bahay. Hindi ko pa inaasahan na maging si Mommy ay maaabutan ko na nandoon.

"Anak, magiging ayos ang lahat." My mother enveloped me into a hug.

Hindi ko maitatanggi na minsan kong pinangarap na ituring niya ako ng ganito pero kailanman ay hindi ko hiniling na maranasan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi sa ganitong paraan.

"Daddy, a-ano po ang nangyayari?" Pilit kong pinatatag ang boses ko.

"Emiliana called earlier to say that Eros will be backing out from the wedding. Nakabuntis daw." I had a hunch but hearing it from my father almost made me collapse.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon