Chapter 3

605 13 0
                                    


Maybe if I don't cry, I won't feel anymore.
‐ Stone Cold// Demi Lovato

~

Kanina pa akong nakabihis ngunit hindi ko magawang lumabas ng kwarto. I don't know why i'm feeling so nervous. Kakain lang naman kami sa labas na magkakaibigan at hindi naman ito ang unang beses.

And I didn't even do anything wrong. As far as I know, I did the right thing. Alangan namang pilitin ko iyong tao kung hindi ako ang gusto niya di'ba?

Habang patuloy na nag iisip, pakiramdam ko unti-unti 'rin akong nalilinawan. No, i'm not scared about what they're going to think about what happened. Sa tingin ko ay takot ako dahil ayaw kong masira iyong pagkakaibigan na nabuo naming lahat dahil lamang sa paghihiwalay namin ni Ice.

Kung tutuusin, madali na sana ang lahat ng ito. Kailangan ko lang magsabi ng totoo at malilinis ko na ang pangalan ko. I can do that but I won't. It just doesn't feel right.

Kung gagawin ko iyon ay para ko na 'ring itinapon ang pagkakaibigan naming lahat. Though there's a chance that my worries won't happen, I still won't risk it.

Kilala ko naman ang mga kaibigan ko. Alam kong hindi 'rin sila basta puputol ng pagkakaibigan dahil lang din sa nangyari. They might get mad at some point, but they will understand.

Yet, one thing is for sure. It won't be the same anymore. Everything won't be the same anymore.

Alam ko iyon dahil paniguradong gaya ko ay hindi 'rin siya sasama sa lakad kapag nalaman niyang kasama ako. Ganoon 'rin naman ako. I may consider lying for him at this moment but like I said to them yesterday, ayaw kong mapalapit sa kaniya kahit isang metro.

Should I lie then? Makakatulong ba iyon? I don't even know anymore. How can I even stop something that is inevitable?

Bahala na nga. I'll just see what will happen later. Alam ko namang mahahati talaga kami sa dalawa dahil hindi na kami pwedeng lumabas ng magkasama. Bakit ba naisip ko pang pagtakpan siya? Doing that is futile.

And, I guess I really am an idiot because I considered doing it.

Bago pa ako magkaroon nang oras para muling umiyak at magself pity ay biglang tumunog ang cellphone ko. Gia is calling.

I rolled my eyes before I answered the call.

"What's up bitch." Walang gana kunwari na bungad ko sa kaniya.

"Good morning din, Red!" Of course she won't get mad at that. Muntik ko nang makalimutan na anghel nga pala ang bestfriend ko.

Napatawa tuloy ako dahil doon. "Paalis na ako, don't worry. Wait for me there, pasabi na din kay Mami na gusto ko ng french toast!"

Actually, Gia is more than a bestfriend to me right now. She's like my sister. Mami at Dadi na ang tawag ko sa parents niya at madalas 'rin na sa kanila ako natutulog. They are like my second family.

"Okay. Ingat ka! Oo nga pala, ipagpaalam mo 'ko... ayaw akong payagan ni Dadi e." I can sense that she's pouting right now.

Dahil nga halos anak na 'rin ang turing nila sa'kin, they trust me when it comes to Gia. Bagamat strikta sila sa panganay na babae, pinapayagan nila itong umalis basta ako ang kasama.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon