Chapter 20

305 6 25
                                    


And I know she's a friend
But I can't shake the feeling
That I could be losing your heart.
Girlfriend// Alicia Keys

~

I don't know why he's looking at me now.

As much as I hate it, wala akong magawa dahil kasabay namin ng break time ang HUMSS. Ice is a student from that strand.

Madalas ko naman siyang nakakasalubong lalo na at magkatabi ang room namin pero nitong nakaraan ay palagi akong binubulungan ng mga kaibigan ko na kaklase ko 'rin. They always tell me that he kept on glancing at me but I kept mum about it dahil hindi naman ako naniniwala at wala naman akong pakialam.

And now, I was the one who caught him. Nang aksidenteng magtama ang paningin namin ay nahuli ko ang tingin niya sa akin. He knows that I caught him but he didn't even bother to look away. Sa halip ay mariin ang titig niya sa akin na para bang may inaalam siya.

What the hell is his problem? Hindi ko na lamang siya pinansin.

Sa totoo lang ay medyo hindi maganda ang mood ko nitong mga nakaraang araw. I was so stressed with our thesis dahil malapit na ang defense at idagdag pa doon na running for honor ako.

Hindi pa nakakatulong ang paulit ulit na kwento ni Cara tungkol sa nararamdaman daw ni Ice para sakin. She's my groupmate but she never helps in anything. Instead, puro ganoon ang sinasabi niya.

I really wanted to shut her up because I don't care but i'm too tired to do that. Ayaw ko 'rin magmukhang bastos kaya hinahayaan ko na lamang siya at hindi na gaanong pinapakinggan.

And Eros. He's been raving about how he finally met his long lost childhood friend again for a week straight. Ayaw kong palakihin iyon dahil nakikita kong masyado siyang masaya sa reunion nila ng babaeng bestfriend niya kuno.

It bothered me a lot but I chose to keep my mouth shut. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya pero ayaw ko naman na mag away kami. But then, would I be okay without communicating with him? Sa totoo lang ay hindi ko na alam. I'm really stressed dahil patong patong ang mga gawain ko kaya hindi ko na 'rin magawang maglaan ng oras para sabihin iyon sa kaniya.

Isa pa, madalang na 'rin siyang magparamdam sa akin. Aniya kasi ay sinusulit niya muna ang bonding nilang magkaibigan dahil matagal daw silang hindi nagkita. He actually asked me one time to come with them but I was too busy so I said no. And so until now, I still don't know who his friend is.

Iniisip ko na lang na wala namang malisya iyon. I need to trust him. Sabi niya ay mahal niya ako at engaged na 'rin naman kami. That is enough assurance for me.

"I can do the powerpoint for 1-3 dahil ako ang nagproof read noon. Would that be okay with you, Red?" Katarina, my groupmate asked me.

I smiled at her, "Sure, Kate. Salamat ng marami. That would be a big help."

She looked at me, worried, "Ayos ka pa ba? Namumutla ka na."

"Okay pa naman. Baka gutom lang." Ngumiti ako sa kaniya sa kabila ng pagod.

Bumuntong hininga siya, "Don't stress yourself too much, Red. We're a group so we'll all help." Nagsipag tanguan ang iba pa naming mga kagrupo. "Mauuna na ako ha? Nasa labas na kasi ang boyfriend ko. Tapos naman na ang meeting di'ba?"

Tumango ako sa kaniya, "Ingat ka."

She kissed my cheek before she bid her goodbye. Such a sweet girl.

Isa isa na 'ring nagsipag alisan ang mga kagrupo ko. Nanatili lamang ako sa cafeteria dahil alam kong darating na din sina Gia. Dito kami palaging tumatambay kapag magkakasama.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon