I'm hurting baby, i'm broken down.
Sugar// Maroon 5~
"Red? Ikaw pala ang fiance ni Tangkad." Nakangiting sabi ni Cara saka bumeso sa akin.
Rinig ko ang mahinang pagmumura ni Shai sa likod.
Nakangiti 'rin niyang binati ang mga kaibigan ko na nasa kitchen. "They're all my friends, Tangkad." She claimed.
Napaismid naman ang mga kaibigan kong babae ngunit hindi na nagsalita. They are aware of what Cara did to me so they're kind of mad at her. I told them it was already okay but they're still mad. Kaya hinayaan ko na lang. The boys are sport on the other hand.
"That's good." Maganda ang pagkakangiti na sagot ni Eros kay Cara.
"So, Eros. Kamusta naman ang araw mo kahapon? Do you know that my bestfriend got stressed because you're not picking up?" Nakangiti si Gia habang sinasabi iyon pero ramdam ko ang sarkasmo.
"Gia." Saway ko sa kaniya.
"Uh.. i'm sorry Red. Dahil yata sa'kin. Lumabas kasi kami kahapon at medyo ginabi na dahil sa thesis natin. Sa bahay na din siya natulog para hindi na mapagod." Si Cara ang sumagot.
"I'm not talking to you." Mataray na sagot ni Gia kay Cara na mukha namang napahiya.
Nagulat ako dahil hindi naman talaga siya ganoon. Maybe she really got mad for me. Nakita kasi niya kung gaano ang epekto sa akin kagabi.
Narinig ko ang halakhakan ni Shai at Anne. Tiningnan ko sila ng masama para tumigil.
"Huwag mo namang bastusin si Cara, Gia." Seryosong saway ni Eros.
"Did I?" Kunwari pang nagugulat na sabi ni Gia. "How about you? Hindi ba kabastusan na dinala mo pa 'yan dito? Do you even know what that girl did?"
Mukhang naguluhan doon si Eros at Cara.
"Gia." Ako na ngayon ang sumaway sa kaniya. I don't want her spilling anything.
Bumuntong hininga siya saka dumiretso sa kusina. Sinundan naman siya ni Justin upang pakalmahin.
Nagtataka din ako sa sarili kung bakit bigla yatang nawala iyong palaban na attitude ko. Am I this tired? O takot lang talaga ako na mag away kami ni Eros? Ah oo nga pala, ganito ang ginagawa ng mga taong mature.
Walang gana ang tingin na ibinigay ko kay Eros, "You left your phone in Manila. Okay." Tatango tangong sabi ko.
"Bal.." tawag sa akin ni Eros. He looked like he's about to explain pero inunahan ko na siya.
"Let's just eat breakfast." Tipid ang ngiti na binigay ko sa kaniya saka nauna sa dining table.
Ipaghihila pa sana niya ako ng upuan nang unahan ko siya. Napapabuntong hininga siyang nagtungo kay Cara para ito ang ipaghila ng upuan. Narinig ko pa ang pag ismid ni Anne dahil doon.
Naupo siya sa tabi ko at sa tabi naman niya ay si Cara. Hinawakan niya ang hita ko pero hindi ko iyon pinansin. I'm mad and I don't want to cause a scene so I will shut my mouth until I can.
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomanceRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...