Chapter 7

433 13 2
                                    


She underestimated just who she was stealing from.
- Better than Revenge// Taylor Swift.

~

"I'm really sorry anak." Naaawang bulong sa akin ni Mrs. Lopez habang yakap niya ako.

Gusto kong umiyak ngunit parang masyado na akong pagod para gawin iyon. Galit ba talaga sa akin ang mundo?

Bukas na ang graduation namin ngunit may problema pang dumating. Kanina lamang ay ipinatawag ako dahil sa halip na opening remarks ay pledge na raw ang gagawin ko. Wala naman sanang problema iyon ngunit matapos kong malaman ang rason ay parang mas gusto ko na lang manatili sa bahay kaysa umattend ng graduation.

Nalaman ko kasi na nagreklamo pala si Trisha dahil aniya ay mas mahaba iyong speech ko kaysa sa kaniya. She thinks it's unfair because her average is higher than me. I don't know if that is the sole reason or maybe because she's still holding grudges on me. Dahil doon ay nagsumbong siya sa adviser niya last year na nagsumbong 'rin sa division office.

Iyon ang dahilan kaya nagkaroon pa ng ganitong problema. Ayaw pumayag ni Mrs. Lopez kanina dahil aniya ay mas may abilidad naman daw ako na ideliver ang speech ko at ako naman ang nagsulat noon. Isa pa, speech lang naman daw iyon kaya hindi na sana naging big deal. Kaso lang ay magkakagulo talaga dahil nagpunta na mismo ang division office sa school namin ngayon.

They wanted to talk to me but Mrs. Lopez and my adviser won't permit it. Tinanong nila ako kanina at pinamili kung ayos lang ba sa akin na magpalit kami kahit na ang totoo ay alam ko naman talaga na wala akong magagawa. Tumango na lamang ako kahit labag iyon sa loob ko para wala nang gulo.

If it's too much of a big deal to her to do that opening speech then she could've told me sooner! Hindi iyong gagawa pa siya ng gulo at maiistress pa ang mga teacher sa kaniya. I don't want to hate her but i'm really mad right now.

I don't care about that damn speech anymore! Ang iniisip ko na lang ay iyong stress na idinulot noon sa mga guro. I hope she's happy now with whatever she's fighting for.

Bagamat ganoon ang nangyari ay sinusubukan ko pa 'rin na intindihin iyong rason niya. Maybe it's unfair to her then. Pero bakit big deal iyon sa kaniya? Is she that mad at me? I really hope it wasn't just because of that dahil kung tungkol nga ito doon ay baka mawala na ang katiting na respeto at paghanga na mayroon ako sa kaniya.

I really hope she has her own reasons because if there wasn't any then she's fucking immature! I don't want to judge her though. Hindi ko naman hawak ang utak niya kaya hindi ko 'rin alam ang nasa isip niya. Hindi naman siguro siya ganoon kababaw.

"Kung ako lang talaga ay hindi ako papayag doon, Red. I'm really sorry that might be too much for you." Mrs. Lopez comforted me.

Tumango na lamang ako, "Ayos lang po. Basta 'wag na lang lumaki iyong gulo. Pasensya na po sa abalang nadala sa inyo."

"Naku Red, huwag mong isipin iyon ha? Hayaan mo at ipapaliwanag ko sa parents mo ng maayos ang nangyari. Maiintindihan ko kung magagalit sila dahil kahit ako ay magagalit kung nangyari iyon sa anak ko. It's really unfair, you deserve that speech." Hindi ko alam kung pampalubag loob lamang iyon pero ramdam ko ang sinseridad niya kaya nagpasalamat na 'rin ako.

"No need ma'am. My parents are open minded naman po. Ako na po ang magpapaliwanag."

Pagbalik ko sa room ay agad akong niyakap ng adviser ko at doon na ako tuluyang naiyak.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon