Guess i'd rather hurt than feel nothing at all.
- Need You Now// Lady Antebellum~
I knew that night was a bad idea. Heto tuloy ako ngayon at hindi pa 'rin makaconcentrate sa sinasaulo. Kanina ay kinumusta ni Mrs. Lopez ang progress ko at kinailangan ko pang magsinungaling dahil nakakahiya namang sabihin na hindi ko pa ganoong kabisado iyong speech na isinulat ko.
It was more embarrassing because i'm the one who wrote my speech yet I can't memorize it easily. Bwisit naman kasing Eros iyon. Unang pagkikita pa lang namin pero ginugulo na agad niya ang utak ko.
"Kailan mo balak magkwento?" Nakapamaywang na tanong sa akin ni Gia.
"When did you become so nosy?" I rolled my eyes at her.
"Hoy hindi ako chismosa ah!" Pagtanggi niya. "Baka nakakalimutan mong pinagtakpan kita sa Daddy mo! I deserve to at least know who you're with."
"Oo na, ito naman masyadong nangongonsensya." Ngumuso ako, "Sasabihin ko naman e..."
Bigla ay umupo siya sa silya sa harapan ko, "O ano nga? Sino iyong sumagot sa tawag kagabi?" Kuryosong tanong niya.
I sighed and folded my speech. "Si Eros 'yon."
"Eros? Sinong Eros? Bakit familiar ata sa akin 'yon?" Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Of course he is." I inhaled deeply. "I'm with Eros Marasigan."
"Marasigan? Sounds really familiar." Tatango tangong sagot ng bestfriend ko.
"Oh my gosh?! Eros Marasigan ba kamo? Are we thinking about the same person? Do you mean Ross Marasigan? The model?" Nanlalaki ang matang pagsingit ni Shaina sa usapan namin. I didn't know she's listening.
"Hinaan mo naman ang boses mo, baka may makarinig sa'yo." Pagsasaway ko sa kaibigan kong maingay na yata mula pa noong ipinanganak.
"Pero seryoso nga?" Pangungumpirma niya.
"Di ako makarelate, bakit ganyan ang reaksyon mo Shai?" Gia looked clueless.
Napamasahe ako sa sintido.
"Oo nga." I confirmed.
Napasinghap si Shaina sa sinabi ko habang si Gia ay nanatiling ganoon ang ekspresyon. Maybe i'll explain to her later.
"My gosh! Bakit kayo magkasama? How did you know him? And why is he here? Project?"
Tumango ako, "Yup. Let's just say he's a friend of a friend."
"Sino ba iyang friend na 'yan? Ipakilala mo nga ako." Nakangising sabi ng madaldal kong kaibigan.
Napailing na lang ako. I can do that but not now.
"Bakit kayo magkasama kung ganoon? Are you friends? Bakit hindi ko alam?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gia.
"We're not really friends." Pagsasabi ko ng totoo, "Sabihin na lang din natin na sinamahan niya ako kahapon."
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomanceRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...