But I got smarter, I got harder in the nick of time
Honey, I rose up from the dead, I do it all the time.
-Look What You Made Me Do// Taylor Swift~
"Oh my god," Halos tumili si Gia nang sunduin ako sa airport. "You're back!"This is it. I'm back in the Philippines after 5 long years.
Tinanggal ko ang cardigan na suot dahil mainit ang klima. I am left with my denim mom jeans, plain black halter top and doc martins.
Umiling ako at nginisihan siya bago niyakap. "Yup, I definitely am."
Nagulat ako nang mapansin ang mga kaibigan namin na kasama niya pala. Wow! It's like a mini reunion.
Mainit iyong mga ngiti nila sa akin pero wala akong ibang maramdaman kundi hiya at pagkailang. I never tried to contact them for the past years and I didn't even bother asking for news about them. Iyon ay sa kagustuhan kong makalimutan ang lahat ng nangyari rito at para na 'rin hindi na nila malaman pa ang pinagdaanan ko.
Nahihiya akong ngumiti sa kanila. They are complete. Anne, Angela, Shai, Brent, and even Ice.
Napansin yata nila ang ilang ko kaya sila na mismo ang lumapit sa akin.
"Welcome back, Red. We missed you!" Mainit ang ngiti na ibinigay ni Angela sa akin bago ako niyakap.
I returned her hug and whispered, "Thank you. I missed you too, I swear."
Nang magwalay sa yakap ay halos matumba ako dahil agad akong hinigit ni Shai. "Uy Mars! Kumusta na? Bigatin na tayo, ah! Pa-picture nga daw at ilalagay ko sa salon ko." Nakangisi at malakas na aniya. Wow! I didn't know she has a salon, already. Pangarap niya iyon noon e. Masaya ako na natupad niya.
Natawa na lang ako. Hindi pa 'rin siya nagbabago.
"I'm fine, Shai. Ikaw? May boyfriend ka na ba?"
"Hmm.. kami na ni Brent. 3 years and going strong." Nakangiting aniya saka lumapit sa kasintahan. I always knew they'll end up together.
Gulat at masaya ko silang tiningnan. "Oh wow! Congrats!"
"Thank you, Red." Maikling sabi ni Brent. Medyo nabaguhan ako roon. It seems like he already matured. Sabagay ilang taon ba naman kaming hindi nagkita.
Sunod na lumapit sa akin si Anne na niyakap ako at hinalikan sa pisngi. I warmly smiled at my gorgeous friend.
Huling lumapit sa akin si Ice. "I missed you, Red." Nakangiti siya nang higitin ako para sa isang mahigpit na yakap.
Nailing na lamang ako mgunit ibinalik naman iyon sa kaniya.
Nang kumalas ay pabiro ko siyang hinampas. "Someone's working out, huh?" I joked.
Seriously, he looked toned. Mukhang nagbabad sa gym. Malayong malayo sa pangangatawan niya noon.
Mahina siyang humalakhak bago ako sinagot. "Medyo nakahiligan lang. May supermodel akong hinihintay e."
Sinundot ko ang tagiliran niya, "May girlfriend ka na? Oh my gosh! Sinong babae ang nauto mo? Come on, I might know her." I excitedly asked him.
BINABASA MO ANG
Just Maybe, (Squad Series #1)
RomanceRed Javier is fierce and smart. She is always one step ahead at everything except love. She once fell and got hurt. Then she fell again, and got hurt... again. Everything that involves romance seemed to not work out for her at all. She then decided...