Chapter 1

958 12 0
                                    

I stare at my reflection in the mirror. Why am I doing this to myself?

- Who You Are // Jessie J.

~

Mas malaki pa yata ang eyebags ko sa chance na makamove-on ako kay Ice. And yet I don't feel even the slightest guilt. I can't even believe myself for feeling this way. I'm hopeless.

Sa halip na mainis ay pinili ko na lamang na kuhanin ang concealer para takpan ang dark patches sa ilalim ng mata ko. Oo nga't broken ako, pero hindi naman ibig sabihin no'n na papasok akong pangit. If i'll do that then it's like I am inviting people to gossip about me. And that's a no no.

Ni hindi ko na alam na nakarating ako ng school. Masyado ata akong nagspace out sa daan at muli lang nabalik sa ulirat nang sabihin ng driver sa akin na nandito na kami sa school.


I sighed and gathered my thoughts before stepping out of the car.

Habang naglalakad ako papasok ay hindi nakatakas sa akin iyong mapanuring tingin ng lahat. Well then, I guess they already know what happened. Ang galing galing naman talaga.

Minsan gusto ko na lang din talagang humanga sa mga estudyante dito. Create an issue today and expect to be the news of the town the next day. Kahit gaano kagaling magtago ay walang hindi nabubunyag dahil napakagaling sa chismis ng mga tao dito.

Kahanga-hanga din naman talaga kung tutuusin. How can they manage to memorize all the gossips around and yet they can't even study properly.

Sa halip na mainis ay taas noo akong naglakad hanggang sa makarating sa classroom. Class president ako kaya may duties pa 'rin ako na kailangang gampanan. Hindi excuse na nasasaktan ako ngayon para isantabi ang responsibilities ko.

Kabababa ko lang sa bag ko nang lapitan ako ng vice president namin.

"Good Morning Red! Pinapasabi nga pala ni Miss Reyes na dumiretso ka daw sa faculty dahil may meeting ang lahat ng President. Ako na muna ang bahala dito room."

Fuck it. Ang Faculty ay nasa floor namin pero sa baba naman palaging ginaganap iyong meeting. It's always held on the headquarters which unfortunately is just beside his room. Really? I can't take a break from him even for just a day?

"Okay," I sighed. "Ngayon na ba?"

Tumango siya, "Oo Red, 7am ang meeting e. Dumiretso ka na doon dahil malapit na 'rin magsimula."

"I will, thank you." I replied before heading my way down.

Habang naglalakad sa pathway ay naramdaman ko na naman ang unti unting paninikip ng dibdib ko. Lahat yata ng parte ng school na ito ay may memories kami kaya kahit saan ako tumingin ay siya ang nakikita ko.

Focus, Red. Now is not the time to be sentimental.

Pagdating sa ibaba ay nakita kong kumpleto na sila.

"Red, dito ka na sa tabi ko. I saved you a seat!" Nakangiting bungad sa akin ni Kiel saka tinapik iyong monoblock sa tabi niya.

Tumango na lamang ako saka tahimik na nagtungo doon, hindi pa 'rin nakaligtas sa mapanuring tingin ng iba pang estudyante na nandoon. I tried to cheer up by giving them a tight smile.

"What's the agenda of today's meeting?" I asked Krystal, one of the presidents, with a smile.

"Ah, tungkol yata sa graduation." Polite na sagot niya ngunit naroon iyong mapanuring tingin sa akin.

Just Maybe, (Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon