Kisses
I'm glad dahil may kasabay akong kumain kinagabihan. At tama nga ang hinala ni Hendrix dahil umuuulan. Ayos rin dahil nadiligan ang mga halaman. Alasais trenta ng bumaba ako pagkatapos ng night bath. Wala pa si Vain, mabuti narin para matapos niya lahat ng trabaho.
Nasa sala si Hendrix katabi si Bella at Railey. Habang may kausap sa cellphone.
"Railey" tawag ko dito.
Hendrix look at me sideways binalik din agad sa kausap. Ngumiyaw si Bella.
Nag squat ako ng lumapit si Railey. Nagulat pa ng kumulog. Kumahol ito. I laugh.
"Railey" saway ni Hendrix.
"Shhh" sabi ko dito. Ngunit matigas ang ulo ni Railey tumakbo siya.
"Railey" sabay naming sigaw ni Hendrix. Hindi ito nagpatinag nanakbo, deretso sa nakaawang na pinto palabas. Umuulan!
Tumayo ako at agad hinabol.
"Railey come back here!" Tawag ko.
Narinig ko ang pagpapalam ni Hendrix sa kausap.
Binuksan ko ang maindoor. Lakas ng ulan. Ang pasaway na aso ay papunta sa garden! Shit.
Sinugod ko ang malakas na ulan.
"Oh God Margaux umuulan" sunod ni Hendrix.
Hindi ko pinansin at hinabol si Railey. Naalala ko ang sinabi ni Kuya Romulo. Sinira niya ang mga sunflower! Baka paglaruan nanaman niya ang mga bulaklak.
"Railey" tawag ko. Basang basa na sa ulan. Rinig ko din ang pagtakbo ni Hendrix.
Nakapasok na kami sa garden nawala si Railey. Palinga linga ako sa paligid. Ang mga bulaklak ay masayang dinidiligan ng malakas na ulan.
"Baka sirain nanaman niya ang mga bulaklak" sabi ko ng makalapit si Hendrix.
"Ang kulit talaga ng asong yan tsk" frustrated na sabi niya.
Kumulog. Narinig namin ang kahol ni Railey. Nagkatinginan kami. At agad tinakbo ang dulo. Nililingon ko ang bawat bulaklak checking if Railey destroyed it. And thanks God walang sira.
Basang basa na kami ng makita namin siya sa pinaka dulo naka upo sa ibabaw ng lamesa at nakatingala sa dalawang punong mag kasalubong. Kumulog at muli siyang kumahol. Akala niya siguro ay naroon ang kulog.
Nakabagsak ang makapal na balahibo ni Railey dahil sa tubig. Kumakawag kawag ang buntot habang patuloy na tinitingala ang puno.
"Napakakulit" inis na nilapitan siya ni Hendrix. Doon lang kami napansin Railey.
I laugh ng bumama ito, tinalon si Hendrix dahilan ng pagkakaroon ng putik sa damit niyang puti.
Umiling ako at nag squat sa harap ni Railey.
"Railey come here" mukang naintindihan nito at ako naman ang tinalon.
"Tsk Railey" saway ni Hendrix.
Natatawang tinignan ko ang kulay puti kong sando na may bahid ng putik. Doon kolang napagtanto na bakat ang suot kong bra at kitang kita ang dibdib ko.
"Come on Margaux baka magkasakit ka" aniya. Binuhat ang malaking si Railey. Agad naman itong sumampa sa balikat niya nakatingin parin sa puno.
"Okay lang ako, si Railey baka lamigin" turo ko dito.
"Sorry for that makulit talaga siya, nabasa kapa tuloy"
Umiling ako. Sabay kaming lumakad pabalik. Nilalamig na ako. Ngunit mas nilalamig si Railey. Nakayakap na sa leeg ng amo.
BINABASA MO ANG
One Last Lie (LCS #2)
Roman d'amourSylvain Vander Crausus. (Love of Crausus Series 2) Everyone needs love. At ang pag mamahal na hinahanap natin ay totoo, walang pinilit o pipilitin, all genuine. But how can you say it was love if it's all start in lie? Matatawag mo bang pag mamahal...