Chapter 13

113 15 1
                                        

Don't

Im jealous

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya, pinilit ko alalahanin kung ilang lalaki na ang nag sabi sakin ng mga katagang yan, nag seselos sila dahil malapit ako sa mga lalaki but why i feel like this? Noon iritado ako kapag nag seselos sila pero ngayon ang sarap marinig na nag seselos siya.

Hindi niya ako kinakausap at tahimik lang na nag drive papunta sa mansion nila, dalawang oras lang ang naging byahe namin at wala akong ibang narinig kundi mga busina at tunog ng sasakyan. Sinusulyapan ko siya ngunit ganon parin ang ekspresyon niya. Ganito ba siya mag selos? Hindi nag sasalita. Hanggang sa makarating kami sa mansion nila dito. May ilang kasambahay na nasa labas at nag hihintay sa aming pag dating, kinuha ang mga bagahe namin. At hindi ko maipagkakailang mas maganda ito kaysa sa isa kung saan kami nakatira. Ito ay mas moderno. Ngunit hindi ko malibot ng ayos ang panangin dahil kay Vain.  Tumigil kami ng nasa bulwagan na ng mansion.

"Letty pakisamahan ang fiancee ko sa kwarto" sabi niya sa unipermadong kasambahay. Yumukod ito kagaya ng ginagawa nina Hilda.

"Opo Sir... Dito po tayo Maam" nilahad niya ang daan.

Tinignan ko si Vain na hindi nakatingin saakin "Ikaw?" Tanong ko at nilapitan siya.

"Susunod ako, I'll just talk to my cousin" aniya.

Malungkot akong tumango at sumunod sa kasambahay na tinawag niyang Letty, may kasama pa kaming dalawa ring unipermadong kasambahay na may dala ng bagahe namin. Dalawa ang hagdanan dito at masasabi kong nasa isang palasyo na ako dahil sa ganda at elegante. Kumikinang ang malaking chandelier sa gitna. Hindi ko matignan ng ayos ang lahat ng detalye ng mansion dahil sa pag iisip.

Pumasok kami sa isang malaking kwarto, malinis, malawak at malaki. Pinaghalong brown and caramel, ganon din ang malaki at malapad na kama.

"Ako nalang po d'yan" pigil ko sakanila ng mag simula silang dumeretso sa isang walk in closet dala ang bagahe.

"Sige po Maam" iniwan nila ito sa gilid ng kama.

"Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan pa kayo" si Letty.

Tumango ako at ngumiti "Sige, thank you"

I sighed when they're out of the room, nilapitan ko ang bagahe at hindi na nag abalang ilabas ang mga gamit dahil aalis din kami sa linggo mahihirapan lang kami mag empake. Tinabi ko nalang ito sa gilid at hinagilap ang bigay niyang cellphone. Tinanggal ko ang suot na strappy sandals at umupo sa kama. I checked our photos. I smile when I saw his stolen shots. Nakangiti siya habang nakatingin sa malayo, meron pa na seryoso siyang nakatingin habang hawak ang kamay ko. Hinawakan ko ang pusong tumitibok dahil sakanya. Hindi ko pa nakukumpirma kung para saan ang pag re-react ng puso ko pero ayokong mapatunayan dahil natatakot ako.

Kumain kami kinagabihan, nakilala ko rin si Ace na isa ring attorney gaya ni Hendrix, siya ang kausap nito noong nakaraan tungkol kay Bella. Mabait ito at talagang may hawig silang mag pipinsan, ngunit hindi na ako nag abalang kilatisin siya dahil siguradong mas magagalit lang si Vain at hindi ako pansinin. Kaming tatlo lang sa hapag at hindi ko alam kung ilalagay ko ang posisyon ko sakanila, ay magiging masaya ba ako na hindi umuuwi ang pamilya ko dahil may sari sarili ng bahay.

Kagaya sa mansion ay may paintings din sila dito and yes hindi nanaman sila nakangiti.

Nag night bath ako, tumulala pa sa salamin habang inaayos ang pagkakatali ng roba. Hindi parin ako pinapansin ni Vain. I sighed lumabas ng banyo habang nag pupunas ng basang buhok. Natigilan ng makita siya na bagong ligo topless at nakaupo sa dulong kama habang may tuwalya sa balikat. Saan siya naligo?

One Last Lie (LCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon