Chapter 37

98 14 0
                                    

Pregnant

Ilang beses tumawag at nag text si Vain. Nag reply ako sa huling text niya. I'm nervous that he'll comeback here, at ayoko mangyari 'yon. I need to get out of here.

Vain:

I'm worried.

Me:

Ayos lang ako. Just focus on your work. I'm busy.

Kinabukasn ay kabadong kabado ako. Nag paalam din ako kay Mrs. Lirio at nagpasa ng leave. Gusto ko munang mag isip. Pinilit ko ang sarili ko na replayan si Vain. Kahit sobrang sakit pinilit ko, dahil sa mga oras na'to tapos na kami.

Vain:

Why you're not answering my calls?

Vain:

What time is your break?

Vain:

Baby.

Me:

I'm sorry. Mamaya nalang.

Vain:

Do we have problem?

Vain:

I'll cancel my meetings. Babalik ako diyan. Let's talk.

Kumalabog ang puso ko. Hindi pwede!  Alas dose palang at mamaya pa ang flight ko. Papunta na rin Luis at kapag umuwi siya maaabutan niya ako.

Me:

No. I'm sorry. I'll call you later promise. After my work.

Vain:

Nakakapag reply ka. That's mean you're free. I'll call.

Fuck! Tumawag siya pero hindi ko kayang sagutin. Huminga ako ng malalim at nilingon ang bagahe sa gilid ng kama. May lumandas na luha sa mata. Mabilis kong pinunasan. Okay, for the last time papakinggan ko ang boses niya.

Tumigil ang tawag pero muli ulit itong nag ring. I sighed and cleared my throat then I swiped to answer.

"Hello" inayos ko ang boses.

Hindi siya sumagot na parang pinapakinggan ang paligid ko.

"Vain" I bite my lip. Gusto kong umiyak.

Narinig ko ang munting hinanga niya. "Are you okay?" He asked concerned.

"Yes. I'm sorry busy lang talaga" muli kong tinikom ang bibig. Hindi ko na kayang mag salita.  Nag babara ang lalamunan ko.

"Im worried, do we have a problem?"

Umiling ako. "Mamaya nalang Vain, b-busy ako"

"Wait baby I want to know-"

Pinatay ko ang tawag I can't take this anymore, hindi ko na kayang marinig ang mga kasinungalingan niya. Muli siyang tumawag but i ignore it.

Dumating din si Luis pero hindi siya nag iingay. Tahimik lang siyang pinag mamasdan ako. Alam kong nag aalala siya pero ayoko munang makipag usap. Hanggang sa boarding na namin. Tahimik ako sa eroplano, Good bye Vain.

Kanina bago umalis tinanggal ko ang sim card. At ang singsing na bigay niya. Ayoko itapon kaya ipapabalik ko nalang kay Luis kapag uumuwi na siya ng Manila. Siguro naman titigil na siya.

Nag pahatid kami sa bangka papunta sa bahay ng mga lola ko sa mama ni Papa. Madilim na pero mabuti nalang at may nag hatid parin. Medyo nahilo pa ako dahil ngayon lang ulit ako nakasakay ng bangka. 13 years old palang ako noong huling pumunta dito.

"Okay ka lang Misty?" Alalang tanong ni Luis. Nagkaroon ng lakas para mag tanong.

Tumango ako. "I'm fine"tanging sagot ko.

One Last Lie (LCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon