Forgive
Kinabukasan muli akong nagising dahil sa parehong panaginip. Loading pa ang utak ko. Tumayo ako ng makaramdam ng pag susuka, tinakpan ko ang bibig at mabilis na tumakbo palabas, pababa sa hagdan. Muntik ko pa mabangga ang bababa ring si Luis.
"Wahh justko Misty! Yung bata madapa ka!"
Hindi ko siya pinansin at deretso lang ang takbo. Nakita ko pa ang kung sinong tumayo sa sofa. Nakarating ako sa banyo, at doon lumuhod para sumuka. Halos yakapin ko na ang toilet bowl. Bumukas ang pintuan.
"Misty.." boses ni Vain. Lumuhod din siya at sinikop ang lahat ng buhok ko. Patuloy akong sumuka. Hinagod niya ang likod ko.
Ilang segundo pa bago ako natapos. Napaupo ako sa lapag.
"Don't sit" Vain said. Inalalayan niya ako para tumayo. Paglabas sa banyo nakaabang si Luis.
"Bestie ayos kana ba?"
Tumango lang ako, inipit ko ang ilong gamit ang daliri ng pumasok sa kusina. Naalala ko na baka may amoy bawang o sibuyas nanaman.
"Apo.. walang bawang o sibuyas" sabi ni Lola.
Napahinga ako at tinanggal ang pag kakaipit ng ilong. Dumeretso ako sa lababo at doon nag hilamos at nag mumog. "Why? Don't you like garlic?" Tanong ni Vain.
"Nako oo ijo. Kaya nga kapag nag luluto ako hindi ko nilalagyan ng bawang at sibuyas kahit matabang para lang sa Apo ko.. nagduduwal siya kapag nakaka amoy" si Lola ang sumagot.
"Tama ka d'yan Lola! Gosh.." inabutan ako ni Luis ng towel.
Sinimangutan ko siya. "Morning sick kasi siya" dagdag pa niya.
Nagkatinginan kami ni Vain. Kinuha niya ang towel na hawak ko. Lumapit siya at marahang pinunasan ang muka ko.
"Ayy taray may gwapong taga punas!" Malanding sabi ni Luis. Hindi ko siya nilingon dahil nakatitig lang ako kay Vain.
"Luis umalis ka nga diyang bata ka, tulungan mo akong mag ayos ng mga pinggan" si Lola.
Naglakad palapit si Luis kay Lola. Tinitigan ko si Vain. Why he's so handsome? Talaga bang Mahal ako ng nilalang na ito?
His tender eyes staring at me. "How are you feel? Are you okay?"
Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod. Kanina pa kumakalabog ang puso ko dahil sa ginagawa niya. "I-Im fine" my voice shudder.
Tumigil siya sa pagpupunas napansin ang panginginig ng boses ko "Why?"
Umiling ako. "I'm sorry.." nasabi ko din.
Napahinga siya at ngumiti. "Its okay"
Lumapit ako at niyakap siya. I feel his stiffened body. Nagulat sa ginawa ko.
"Aray! Kinagat ako ng langgam!" Parinig ni Luis na sinaway naman ni Lola.
"I'm sorry.. I didn't mean what i said" sabi ko at hinigpitan ang yakap.
Guminhawa ang hinga niya at unti unti akong niyakap pabalik. Hinagod niya ang likod ko. "I know, don't think about it baby.. ayoko ma stress ka"
Habang kumakain patingin tingin ako kay Vain. Ngumingiti siya at pinupunasan ang gilid ng labi ko, ubo ng ubo si Luis.
This is what Vain can do. My family can make me happy, they can take care of me. But Vain can surpass all of that, his care and love is what I want.
Bumalik si Vain sa hotel na tinutuluyan niya para maligo. Hindi kasi kasya ang damit ni Luis sakanya, bakla kasi kaya walang muscles.
Naligo na rin ako. Napangiti ako ng maalala ang frustrated na si Vain.
BINABASA MO ANG
One Last Lie (LCS #2)
RomanceSylvain Vander Crausus. (Love of Crausus Series 2) Everyone needs love. At ang pag mamahal na hinahanap natin ay totoo, walang pinilit o pipilitin, all genuine. But how can you say it was love if it's all start in lie? Matatawag mo bang pag mamahal...