Sorry
Dalawang oras ang byahe, wala akong cellphone at wallet kaya nag taka siya kung anong gagawin ko sa mall.
"Amm, makikipag kita lang sa kaibigan" sabi ko. No choice baka iuwi niya pa ako. Tumaas ang kilay niya.
"Hmm, paano kita ma te-text?"
Nakagat ko ang labi. Paano nga ba. Ayoko naman ibigay number ni Luis baka mag hinala siya kung sino ito. Humalakhak siya. May kinuha sa dashboard.
"Here, spare ko lang yan gamitin mo muna" sabay abot ng cellphone. Really spare phone niya lang ang iPhone na ito? Tinanggap ko na rin para tapos na.
Bumaba na ako ng sasakyan. Kumaway pa ako bago pumasok sa loob ng mall. Pag pasok palang nakita kona agad ang kaibigan.
"Misty!" Tawag niya. Natatawang lumapit ako sa naka White polo shirt and khaki short na si Luis, with his aviators. Napatingin din ang ilan sakanya dahil sa pagsigaw.
"Omy god isang taon lang ako nawala, ang ganda mo" yumakap siya. "Gosh parang mas lumaki ah" sabay kaming natawa.
"I miss you bestie" sabi ko.
Kumalas siya at pa cute na tinignan ako. "Aww i miss you too bestie"
Sumakay kami sa escalator, halos lahat ng madaanan namin ay napapatingin saamin. Luis is 5'11 agaw pansin siya lalo na at gwapo kahit bakla. Hindi halata na malambot siya pero kapag nakasama mo mas malandi pa sayo.
"Doon tayo sa friend ko, may salon siya dito" maarteng sabi niya.
Nagulat pa ako ng tumigil siya sa paglalakad tinanggal ang suot na aviators at masama akong tinignan "Wait, before I forgot bakit ka pumayag!" Hinampas niya ang braso ko. Natatawang hinimas ko ang hampas niya.
"Sorry na, dalawang buwan lang naman"
Pinanlakihan niya ako ng mata "Dalawang buwan, gosh Misty kahit isang araw pa yan dapat hindi ka pumayag"
Tumabi kami ng medyo humarang sa daan. "Sorry na, this is the last I promise"
"Hmp, kumusta naman ang pinapakisamahan mong lalaki" tanong niya.
Tinitigan ko siya, kinagat ang pang ibabang labi. Paano ko ba i di-describe si Vain. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig. "Don't tell me matanda at kalbo yan! Gosh Misty sabi ko na, panget ang taste ng pinsan mong bruha" he accused.
I shook my head "No Luis"
"What no? Sige anong surename. Marami akong kilalang gwapo! At kapag hindi ko kilala ang sasabihin mo, no no no no. Umalis kana sa deal niyo ng mommy mo" he crossed his arms. Naghihintay sa sasabihin ko. "C'mon tell me"
I sighed "Crausus" sagot ko. Kumurap kurap siya. Nalaglag ang panga.
"W-what? A Crausus! I don't believe you" tinuro niya pa ang muka ko habang umiiling. "Pinsan mo makakabingwit ng ganon ka gwapo at yaman! Tell me sino sa mga Crausus! Gosh saksakan ng gwapo ang magpipinsan na'yon! Tingin palang nila mapapahubad kana!"
Nakagat ko ang labi nahihiya dahil medyo maingay siya napapatingin na ang ilan saamin. "Shh, lower your voice" saway ko.
"No, tell me sino?" Nakalahad pa ang kamay.
"Sylvain" sagot ko na muling nag Palaglag sa panga niya.
"Damn I hate you Misty!" Hinampas niya ang braso ko "Siya ang gusto ko sa kanilang lahat! Damn, siya? Gosh paanong- argghh" nagpapadyak siya na parang babae. Nakakahiya ka Luis! Bakla ka umayos ka!
"Shhh, oo Siya nga"
Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang braso ko, huminga ng malalim. "Tell me nahalikan mo na?" Seryosong tanong niya.
BINABASA MO ANG
One Last Lie (LCS #2)
RomanceSylvain Vander Crausus. (Love of Crausus Series 2) Everyone needs love. At ang pag mamahal na hinahanap natin ay totoo, walang pinilit o pipilitin, all genuine. But how can you say it was love if it's all start in lie? Matatawag mo bang pag mamahal...