Cry baby
Monday at sasamahan ko si Lanz sa site. Na adjust din ang pag punta niya sa Batanes.
Kanina pag gising ko ay katabi ko si Vain. Alam kong ayaw niya na sumama ako kay Lanz pero kailangan. Kaya ng nasa site na kami ay para siyang agila kung makatingin saamin ni Lanz.
"Why Sylvain staring at you?" Bulong ni Lanz ng mapansin.
Ayoko naman talaga itago ang tungkol saamin ni Vain pero hindi pa tapos ang problema alam kong may haharapin pa akong problema kaya saamin muna ito.
"I don't know?" I shrugged.
Tinitigan ako ni Lanz kaya pabiro kong sinampal ang muka niya. "Don't think about him.." nakangiting sabi ko.
Pero kitang kita ko ang talim ng tingin nila sa bawat isa kapag nag kakatinginan. Fuck umayos ka nga Vain! Control your self.
I know that Vain have a long long patience. Pinapanatili niyang kalamado ang sarili, lalo na at madikit din saakin si Lanz. Okay lang saakin na hawakan niya ako sa bewang noon! Pero hindi ngayon na nakatingin si Vain na parang kahit anong oras ay ibabagsak niya ang building na ginagawa.
Vain:
Paalisin mo yan sa tabi mo. My blood is boiling.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Baka sa galit niya ay hindi nila tapusin ang building. Pero dahil alam kong professional siya hindi niya 'yon gagawin.
Hindi parin ako makapaniwala na Engineer siya slash Architect. Ang swerte ko naman. Meron akong hot and sexy Engineer. Mainggit kayo.
Kinagabihan sabay ulit kaming nag dinner ni Lanz. Hindi ko pa nakikita si Vain na kumakain. Nasan na kaya siya.
"Lanz about sa work ko"
Napatigil siya sa pag kain. "I need to work Lanz or I'll resign" ang weird. Mag re-resign ako pero walang trabaho.
He sighed. "Okay I'll put you as Marketing and Finance Manager..."
"Lanz.."
"That's your job Misty"
Napapikit ako. Maganda rin naman pero okay sige. "Okay fine.."
He smile. "But before that Next friday may pinag hahandaang event ang company ni Lola and she wants to invite Bella"
Natigilan ako. "Bella?"
"The actress and teen model.. Bella Chen"
Napakurap ako. Bella Liu Chen? Artista siya? And a teen model? "You mean?"
"Yeah talk to her manager, kailangan maaga dahil busy siya"
"Ako talaga?"
Ngumiti siya. "You want to work right?"
Napanguso ako. "Okay fine.. maybe tommorow I'll go and talk to her manager"
"She's in Manila if you want i can come with you" he suggested.
Natawa ako. "No no no. May trabaho ka bukas"
"I'll cancel it"
"No! Bibigyan mo ako ng trabaho pero kasama ka parin. Don't be funny Lanz"
Tumigil siya sa pag kain. "Okay fine" aniya. Mukang may pag aalinlangan sa naging desisyon.
Ng matapos kami kumain. Kitang kita ang tingin ng mga kumakain din dito sa restaurant. Siguro ay hindi nila alam na si Lanz ang may ari ng hotel. Gusto niya pa sana ako ihatid sa room ko pero may tumawag sakanya.
BINABASA MO ANG
One Last Lie (LCS #2)
RomanceSylvain Vander Crausus. (Love of Crausus Series 2) Everyone needs love. At ang pag mamahal na hinahanap natin ay totoo, walang pinilit o pipilitin, all genuine. But how can you say it was love if it's all start in lie? Matatawag mo bang pag mamahal...