Chapter 17

101 14 0
                                    

Forget

Lahat ng bagay may katapusan. Kung kailan masaya ka doon bibilis ang oras.

I never felt like this before. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa sandaling panahon na mag kasama kami I feel the love. Akala ko kapag ginawa ko ito mabilis  lang ako makakaalis pero hindi, meron sa'kin na gustong ipagpatuloy kahit na alam kong mali. Pero mas nangingibabaw ang katotohanang sampid lang ako dito at kahit kailan hindi magkakatotoo ang hinihiling ko.

Sylvain is so sweet and gentleman, he's the one I want. But I know its all done 'cause he has a partner and I'm not her. I accept the fact that Vain is just my dream and my lie.

"Baby"

Hinila niya ako palapit sakanya. Nasa sala kami, habang ang secretary niya ay nakatayo sa may main door waiting for him. Inayos ko ang necktie niya pagkatapos ay nag angat ng tingin.

"Vain, im okay. Pumasok kana" pinagpag ko ang bandang dibdib niya kahit wala namang alikabok o libag.

Naninimbang ang mga titig niya. "I'll call you, and please answer. Hmmm.."

Tumango ako ng may ngiti sa labi. "Oo na.. sa gym lang ako"

Tinitigan niya pa ako bago hinalikan sa noo. Nilingon niya pa ako ng makalapit siya sa secretary. I wave my hands.

I sighed when they're gone, nalingunan ko si Railey na kapapasok lang sa loob. Mabilis siyang tumakbo palapit saakin. He barked at kumakawag ang mga buntot.

Nakangiti ko siyang tinawag paupo sa carpet. "Come here Railey"

Labas ang dila niya at nag paikot ikot saakin. Hindi ako nag sasawa na laruin siya dahil napakakulit niya. Ilang minuto kaming naglalaro ni Railey doon. Hinatiran din ako ni Hilda ng maiinom. Pagkainom ko sa juice agad akong napabaling sa pinto. Mabilis na nanakbo si Railey papunta sa dumating.

"Railey" tawag niya sa alaga.

Kumahol si Railey at kita ang pag kamiss sa amo.

"Sir Hendrix hindi niyo po sinabi na uuwi po kayo" sabi ng isang kasambahay.

"May kukunin lang po ako" sagot niya.  Napasulyap saakin.

Tumayo ako. "Hendrix"

Ngumiti siya ng makalapit, nakasunod ang alaga sakanya. "Margaux, nice to see you again"

"Me too.."

"I heard that Tita Pauline is planning about your incoming engagement party with my cousin" sabi niya. Inilapag ang dalang attache case sa sofa.

He's wearing a dark tux. At kung ikaw ang makakakita sakanya baka himatayin kana dahil sa sobrang gwapo niya. "Yes, babalik pa sina mama Pauline dito para pag usapan ulit"

Tumango siya. He lick his lower lip. "Can I ask you something?"

"Ano?"

Tumahimik siya ng ilang sandali bago nag salita "Nasa States ang parents mo?"

Kumalabog ang puso ko, States? Wala sila sa states pero dahil ako si Margaux si Tita Lerica ang tinutukoy niya. Hindi ko pinahalata na nagulat ako "Yes why?"

"May kliyente ako si Mrs. Landuchio at mukang kaibigan niya ang mom mo. Dahil na kwento niya na nasa States daw ang parents mo..." Tumigil siya.

Kinakabahan na ako. Sino naman 'yon Landuchio? Hindi ko 'yon kilala!

"Yeah kilala siya ni mom and dad family friend.." inayos ko ang boses ko. Ayoko mahuli! Kung kailan matatapos na.

"Hmm.. okay, im just asking hindi ko pa sila nakikita"

One Last Lie (LCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon