No
Alasingko trenta palang ay gising na ako, maaga rin akong naligo dahil alam kong pupuntahan nanaman ako ni Vain sa kwarto. And gosh I don't want to be a mess. Nakaupo ako sa kama habang nag susuklay, sinulyapan ko pa ang pinto bago kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan. Agad kong binitawan ang suklay ng makakita ng message galing sa kaibigan. Chineck ko ulit ang pinto bago binasa.
Luis:
Morning Misty I'm back.
Nanlaki ang mata ko. Damn umuwi na si Luis, paano kung mag tanong siya kay mommy kung nasaan ako. Hindi niya alam na narito ako, bruha pa naman siya.
Me:
Welcome back, I'm sorry I have something to tell you.
Nagulat pa ako ng mag reply Siya.
Luis:
What? Kaloka ka hindi mo ako kinukumusta.
Mag re-reply na sana ako kung hindi lang narinig ang paggalaw ng door knob, agad ko pinatay ang cellphone at nilagay sa ilalim ng unan. Muntik na. Kinakabahan pa ako ng nakataas kilay na tumingin si Vain. Naka bihis na siya handa na para pumasok, at napakagwapo sa umaga.
"Morning" Bati ko.
Ngumiti siya at tumabi saakin "Morning... early huh" he tease, lumapit at hinalikan ang pisngi ko. "Smells good"
Tumayo ako at hinarap siya. Hinuli niya ang kamay ko habang nakatingin saakin "Where's my morning kiss?" Aniya.
Hinila niya ako "Baby" malambing na sabi niya.
I smile because of his attitude, a sucker. I tilted my head and kiss him gently, sumabay ang maiinit niyang labi.
"There"
Hinila ko siya patayo, ang bruho ay agad yumakap sinisiksik ang sarili sa leeg ko. "Im glad.. Naka tshirt ka" bulong niya.
Niyakap ko siya, natatawa dahil sa problema niya sa damit ko. Hindi naman siya nag rereklamo pero ang mga mata niya ay sumisigaw ng 'Go change your fucking clothes' i don't know parang naririnig ko siya. "Ito lang ang binili mong maayos, as if naman mag turtle neck ako" iling ko habang natatawa.
Lumayo siya ng konti para silipin ang muka ko. "Much better" ngisi niya.
I push him lightly "C'mon I'm hungry, nakakahiya narito sina Tita"
Muli siyang yumakap, clingy baby. "I want to stay like this"
Ending ilang minuto pa kami sa kwarto bago lumabas, nagkagulatan pa kami ni Hilda na kakatok sa pinto ko. Kumurap kurap siya at nagpalipat lipat ng tingin saamin bago yumuko ng konti.
"Ah pasensiya na po Maam, Sir Hindi ko po alam na magkasama kayo natulog" paumanhin niya.
Umiling ako "No, we're not-"
"Its okay" putol ni Vain. Sinamaan ko siya ng tingin, baka kung anong isipin ni Hilda!
Bumaba kami at tama ang hinala ko dahil lahat sila gising na, gosh ang aaga nila gumising parang mga sanay na. While here i am, pinilit gumising ng maaga. Nakangiti si Tita Jenina ng makita kami. Nag usap pa sila ng about sa business habang kumakain, si Hendrix at Stan naman ay palihim na nginingitian ako at kapag nakikitang nakatingin si Vain ay agad umaayos at pumopormal.
After we eat nag paalam na si Vain, and as usual. When Vain kissed me agad sumulpot ang Secretary niya.
"Nako maam masama po ba ang gising niyo?" Biglang sulpot ni Hilda sa gilid ko. Pareho kaming nakatingin sa main door, wala na sina Vain.

BINABASA MO ANG
One Last Lie (LCS #2)
RomanceSylvain Vander Crausus. (Love of Crausus Series 2) Everyone needs love. At ang pag mamahal na hinahanap natin ay totoo, walang pinilit o pipilitin, all genuine. But how can you say it was love if it's all start in lie? Matatawag mo bang pag mamahal...