Chapter 10- Moving Forward

700 51 3
                                    

CHAPTER 10

Ten days later

Muling bumalik si Shaira sa buhay Manila. Pero bitbit na niya ang lakas ng loob dahil kung nabubuhay pa si Manuel siguradong kukurutin siya nito kung lagi na lang siyang malungkot. From innocent looks to sophisticated Shaira Lancaster. Biglang nag pa-make over ang dalaga, hair cut, new look for the new chapter of her life. 

“Manuel, nag gupit na ako ng buhok. It means I'm leaving my traumatic experience.”

Hindi sapat ang sampong araw para makalimutan ang taong nagturo sa kanya kung paano makibagay sa iba't ibang tao, lalong kung paano magmahal.

"Welcome back Shaira! You look fab!" bati ng mga kasamahan niya at nginitian niya ang mga ito. 

Nag katinginan sila ni Cynthia at namangha sa kanya lalo na si Sam. 

"Hindi ka nagsabi! Kailangan pala naka-bangs kapag nag-comeback!"  giit ni Cynthia

"Beshy Shaira! Ang ganda mo!" 

"Thank you sa inyo." 

Sa kabilang dako,nakaupo si misis Camille Harder sa veranda ng kanilang bahay kasama ang anak na si Calix. Wala sa sarili si Camille dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang dating nobyo na si Manuel. Pinagsisihan niya lahat ng nagawang panloloko kay Manuel.

“Honey,” giit ng kanyang asawa na si Kean Jason Harder. Humalik si Kean kay Camille, ngunit wala itong gana sa kanyang asawa

“I'll go ahead, baby. Back to work muna si dada," aniya ni Kean sa kanyang anak. Bago tuluyang makalayo si Kean, hinabol siya ni Camille at hinawakan ang kamay.

“Kean, gusto kong bumalik sa California.”

“Why?  Hindi ba't pinag-usapan na natin na ikaw ang bahala sa anak natin? Habang ako na ang nagma-manage ng negosyo?" 

"Payagan mo ako, babalik din naman ako, Kean." 

"No, you can't go. Sino ang susubaybay sa anak natin?" 

“Nand’yan sila manang, you can count them on." 

"Crazy--," naputol ang sasabihin ni Kean nang biglang tumunog ang cellphone nito. Nagmamadali siyang umalis at mabilis na nagmamaneho. Pitong-taon na silang nagsasama ni Camille at wala pang isang taon na kasal, ganito na ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. 

Sa kanyang pagpasok sa loob ng opisina, nakasalubong niya ang kaibigan na si Xyrus Fuentabella. 

"Bro! You look stressed! Napaka aga pinag bagsakan na ng langit at lupa 'yang mukha mo,” giit ni Xy habang nasa loob sila ng elevator. "Nag away ba kayo ni wifey?" dagdag  ni Xy habang tumatawa.

“Wala naman bago," pabugang sagot ni Kean.

"Iilan na lang ang tulad mong martyr na lalaki. Kung ako 'yan, nambabae na ako."

"I'm not like you, kaya ka iniwan eh." 

“Tama na, matagal na 'yan at least I'm happy living with my only son." 

"Well I'm happy too, living with my family," sagot ni Kean habang naglalakad sila ni Xy sa aisle. 

"Really? You called that family? Ni hindi ka nga tinatabihan ng asawa mo," saad ni Xy at sa sobrang asar ni Kean binatukan niya ang kaibigan. 

"Oh, sorry!"  sambit ni Kean

Natigil ang dalawang magkaibigan nang makasalubong nila ang dalawang empleyado na muntik na nilang mabunggo. Inayos ni Kean ang korbata at biglang nag seryoso ang mukha. Habang si Xyrus na kinindatan ang dalawang empleyado. 

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon