CHAPTER 50
“Gago, sanabing 'yan ang kantahin mo!" saad ni Xyrus kay Kean.
Inabutan nila ng gitara si Kean at napakamot na lang ito ng ulo. Binasa niya ang lyrics at binato ang kapirasong papel kay Xyrus.
“Ano ‘yan? Ang korni naman niyan!” bulalas ni Kean.
"Ang arte mo naman, paano mo papasiyahin si Shaira kung ganyan ka!” asik ni Arthur kay Kean.
"Huwag kang makialam! Ikaw ang rason kung bakit kami nagkanda letse-letse ni Shaira!"
"Hoy Kean, ang sama talaga ng ugali mo! Hindi ka rin naman nakinig kay Shaira!” pagtatanggol ni Sam kay Arthur.
“I’m still your boss! Anytime pwede akong bumalik sa insurance!” galit na sinabi nito at pinulot ang papel na tinapon niya kay Xyrus.
“Sige na Kean, ang dami mong satsat! Napaghahalataan kang walang dilig!” pag aasar ni Xyrus.
“Halika na!” aniya ni Lizel at dahan-dahan na sinilip kung nasa loob si Shaira.
“Nandito siya!” aniya ni Cynthia na nakisilip din.
“Hahalikan ko na lang siya, huwag ng harana!”
Pinagtulakan nila si Kean papasok at nagulat si Shaira nang Makita itong nakatayo sa pintuan niya.
Para bang naging tuod si Shaira at hindi nakakibo. Sinimulan kumanta ni Kean kasabay ng gitara. Sa buong tanan ng buhay niya, ngayon lamang siya ninerbyos sa pagkanta.
Naging buo muli ang puso ni Kean nang Makita niya ang umukit na ngiti sa mga labi ni Shaira. Mas lalong tumawa si Shaira nang makita si Katrina at Kasper na may hawak na buko. Kean is playing Buko by Jireh Lim.
Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman, alam niyang pinalano ito ng mga kaibigan dahil nasa likuran ito ni Kean.
“Hindi magbabago ang nararamdaman ko sa’yo, Shaira. Ikaw lang ang mahal ko, sana’y bigyan mo ako ng pagkakaton na simulan ulit mula sa umpisa Walang sama ng loob at itapon lahat ng nakaraan. Hahawakan ko ang kamay mo hanggang huli,” kusang lumabas ito sa bibig ni Kean at lumapit kay Shaira. Hindi niya tinapos ang kanta at humalik sa nobya.
“I love you Kean! Walang ibang tatanggapin, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko!” aniya ni Shaira.
“Yehey! Kompleto na kami ulit!” hiyaw ni Katrina at hinagkan si Kasper.
“Pwede na ba kaming magpakasal dito? Hindi ko na pakakawalan si Shaira,” aniya ni Kean at mahigpit lamang na nakayakap si Shaira sa kanya.
One month later.
Bumuti ang pakiramdam ni Shaira gawa ng walang sawang pag aalaga ni Kean sa kanya. Handa na ang lahat mula sa susuotin nila ni Kean at mga bisita. Mula sa pagkain at theme ng kasal nila. Binuhos ni Kean ang buong-buo ang pagmamahal upang mabigyan ng magargong kasal si Shaira matapos ng napakaraming balakid sa kanilang relasyon.
Masaya at mailaw ang bahay nila sa Mabacle, ang lumang bahay ni Kean na binenta niya dahil parte na ito ng kanyang nakaraan.
Nagtatakbuhan at nagkakagulo ang mga bata kasama si Arthur at Jerick.
“Arthur, lalaki ang anak ko ha!” pang aasar ni Kean kay Arthur.
“Dadagukan kita Kean Jason Harder!” aniya ni Shaira. Lagi niyang pinagtitripan si Arthur kung kaya’t mas lalo silang naging mas magkaibigan.
Sinusulit nila ang gabi dahil bukas na magaganap ang kanilang kasal ni Kean.
“Mabibigyan niyo ba kami ulit ng apo?" aniya ni Dorothea.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...