CHAPTER 40
Pagod na pagod na naghanda si Lizel dahil sa pagdating nila Shaira kasama ang mag ina na si Dorothea at Kean.
“Napaka ganda naman ng Bukidnon! Tahimik at napaka fress ng hangin!” masayang sinabi ni Dorothea at nakipag beso kay Lizel.
“Maraming salamat, halika at pumasok kayo rito.”
“Para bang gusto kong bumili ng lupa rito, Lizel? Maganda ang pwesto ng palayan.”
Kung ano-ano pa ang pinag usapan ni Lizel at Dorothea. Nagalak naman si Kean na magkasundo agad ang magulang nila.
Sinundan ni Kean si Shaira na pumasok sa kanyang kwarto. Hindi pa rin niya ito pinapansin dahil wala rin siya sa tamang timpla. Buong magdamag na masakit ang ulo niya at parang nilalamutak ang puson sa sobrang sakit.
“Babe, talk to me.”
“Saan gaganapin ang birthday ni Calix bukas?” pag iibang usapan ni Shaira. Bukas din ng umaga ang balik nila sa Manila.
“Sa bahay ko, hindi ko agad nasabi sa’yo na nandoon din si Camille.”
“Ah, okay.”
“Please, don’t be mad.”
“I have no choice. Lumabas ka na at gusto kong magpahinga.”
Hinapit ni Kean ang beywang niya at hinalikan sa leeg ang nobyo.
“I’m not in the mood. I need to rest. Please, lumabas ka na muna.”
“No, baka anong isipin ni nanay Lizel. Akala niya pinababayaan lang kita. Please, halika na sa labas.”
Bumuntong hininga si Shaira at sumama kay Kean. Sa kanilang paglabas, nakita nila ang masayang kwentuhan nila Dorothea at Lizel, para itong magkaibigan na matagal na hindi nagkita.
Napaupo si Shaira dahil sa sakit ng kanyang puson, hinawakan din niya ang sentido pagkatapos ay pinikit ang mga mata.
“Kean.”
“Are you okay?”
“Nahihilo ako.”
“Are you pregnant?”
“Gutom lang siguro,” ayaw niyang mag assume dahil siguradong aasa lang si Kean sa kanya.
“Come, sabay tayong kumain.”
“Ah-ah, ang sakit,” muling hinawakan ni Shaira ang puson at sumandak sa pader.
“Dadalhi--”
Naputol ang pag uusap nilang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ni Kean.
“Excuse babe.”
Tumango lang si Shaira at pilit inayos ang tayo. Nakita niya ang reaksyon ni Kean at mukhang hindi ito maganda.
“Okay, pupuntahan ko kayo.”
Bahagyang lumapit si Shaira kay Kean at hinawakan ang braso nito.
“Bakit?”
"Si Calix, sinumpong na naman. I need to go back, I’m sorry Shaira.”
“Sige, puntahan mo na siya.”
Humalik si Kean sa labi niya at muling kinuha ang bag.
“Mom, tita Lizel. Kailangan ko lang pong bumalik sa Manila. Nasa ospital po si Calix.”
“O-okay, mag iingat ka hijo.”
“Sige, ako na muna ang maiiwan dito kay Shaira at Lizel.”
![](https://img.wattpad.com/cover/237638190-288-k412556.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...