Chapter 7- Why I Drive Fast

737 58 15
                                    

CHAPTER 7

"Pwede bang magtanong?" panimula ni Shaira kay Manuel habang inaayos ang makina ng sasakyan.

"Yes?"

"Bakit kayo naghiwalay ng ex mo?" umupo si Shaira sa semento.

"Huwag kang umupo d’yan marumi!" kinuha ni Manuel ang skateboard pagkatapos doon pinaupo si Shaira. 

"Ang selan mo naman! Hindi 'ko naman ikakamatay 'tong alikabok!" 

"Huwag diyan, tsaka ayusin mo ang pag upo, masilipan ka pa.”

"So ano nga? Paano?"

"Seven years ago naghiwalay kami dahil may kalaguyo siya."

"Ha? Paano mo nalaman?"

"She got pregnant." 

"Ay ang sakit,” sagot ni Shaira at uminom ng soft drinks. 

"Itigil mo ang pag inom niyan, hindi mabuti sa katawan," suway nito at hinablot ang softdrinks pagkatapos siya ang uminom. 

"Sira ulo ka no? Bakit hindi ka bumili ng sa’yo!" galit na sinabi ni Shaira. 

"Halika turuan na lang kitang mag-skateboard." 

Hinawakan niya ang kamay ni Shaira at inalalayan ito. Napaka simple ng kanilang pamumuhay, ang pagmamahalan ang nagsisilbing nagpapasaya s akanila at hindi materyal. Walang araw na hindi gumagawa ng kalokohan ang dalawa, iniipon nila ang masasayang memorya na magkasama. Ilang sandali, may tumawid na aso at nataob si Shaira.

“Babe! Nasugatan ka ba?" Pag aalala nito sakaniya at bigla siyang binuhat. 

"Ano ba! Okay lang ako, gusto ko pa Manuel!" 

"Huwag na, sabi ko sa’yo hindi kita sasaktan pero ginawa ko na."

"Ang cheesy mo naman! Masyado kang seryoso!" Nakita niyang ngumiti ang lalaki at kinuha ang skateboard sa kalsada.

"Manuel, bakit nagawa ka niyang iwan o lokohin?" dagdag ni Shaira, ngunit hindi sumagot si Manuel 

"Mabait ka naman, gwapo, yummy,” bulong ni Shaira.

"Ha ano 'yung sinabi mo?" nilingon siya ni Manuel.

"W-wala! Gustong-gusto kitang kinakagat, nakakabusog, Manuel. I love you!” giit ni Shaira.

"Mamahalin mo pa rin ba ako kahit anong mangyari?" out of the blue question of Manuel.

"Oo, ito na siguro ang isa sa pinaka masayang experience ko .Makakilala ng tulad mo, nagtataka lang ako bakit ka niya iniwan,” sagot ni Shaira.

Tahimik lang si Manuel  at muli siyang tinalikuran.  Sa pagpasok ng binata sa loob ng banyo, nakatitig lang ito sa harapan ng salamin.

"Make her happy every day, kahit umabot sa puntong wala na ako," pilit na pagngiti ni Manuel.

Minabuti niyang inumin ang kanyang pain reliever. Sa bawat patak ng tubig mula sa shower marami siyang naiisip na posibilidad. Ayaw niyang makitang malungkot si Shaira pero kailangan niyang yakapin ang realidad na hindi siya magtatagal sa mundo. 

Isang oras na ang nakalipas hindi pa rin lumalabas ng banyo si Manuel, doon napansin ni Shaira na walang tigil ang pagpatak ng shower sa banyo. Kinuha niya ang susi at binuksan. 

"Manuel!" pagpapanic niya nang makitang naka upo lamang ito sa tabi ng shower at nakapikit. Minabuti niyang kuhain ang tuwalya at pinatay ang shower. 

"Babe what's happening?!" tinapik ni Shaira ang mukha ni Manuel upang ito’y magising. Namilog ang mga mata ni Shaira dahil sa yakap ni Manuel. 

"Dito na lang tayo matulog,” tumawa si Manuel.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon