CHAPTER 3
Nakatigil ang kotse ni Manuel sa harap ng bahay ng dati niyang nobya at hanggang ngayon sa tuwing nalalasing siya binabalik balikan niya pa rin ito. Kahit magmukha siyang mahina, hindi niya maiwasang umiyak. Ginugol niyang mag-ipon upang mapakasalan ang nobya, ngunit sumama ito sa ibang lalaki.
"Stop this Manuel, patuloy mo lamang sinasaktan ang sarili mo,” he whispered while crying in pain.
Hindi makuha ni Shaira ang kanyang antok dahil patuloy na sumasagi sa utak niya ang naging itsura ni Manuel kanina.
"Broken hearted ba siya? O inaantok lang? Teka nga, bakit mo ba siya iniisip, Shaira Lancaster?! Male-late ka na naman bukas!" asik niya sa sarili at pilit pinikit ang kanyang mga mata. Halos makuha na niya ang kanyang antok nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Ah! ano ba iyan!" reklamo nito at sinagot na lamang niya ang tawag.
"Hello! Inaantok na ako!" sigaw niya mula sa kabilang linya habang nakapikit.
"Ganyan ka ba magalit?"
Nagulat si Shaira nang biglang marinig ang tawa ni Manuel.
"Manuel, sorry. Natutulog na kasi ako, napatawag ka?" biglang umamo ang boses niya.
"I'm sorry, taga saan ka ba? Ayaw ko kasing umuwi."
"Ha? Baliw ka ba? Ala una na bakit hindi ka pa umuwi. Delikado na sa daan, tsaka apartment lang ang tinutuluyan ko."
"Please, ngayon lang,” pakiusap ni Manuel.
Dahil napaka rupok ni Shaira binigay din niya ang address. Dali-daling bumangon ang dalaga upang ayusan ang sarili. Ilang minuto ang nakalipas, narinig niya ang ilang katok at nakita niya ang lalaking hot na hot ang itsura. Bukas na ang tatlong butones ng polo at namumungay na ang mga mata.
"Ang cute pala ng apartment mo," nagmasid lang si Manual at nakita niyang maayos sa gamit anga dalaga.
"Compliment ba iyan o insulto?" tanong ni Shaira at tinaasan ng kilay ang binata.
"Midnight snack, pasensya na rin sa istorbo, dapat lang kitang ilibre dahil hired na ako," wika ni Manuel.
Mukhang lasing ang binata pero diretso pa maglakad at manalita.
"Sila ang nag-hire sa’yo hindi ako. Dapat ako rin ang manlilibre sa’yo dahil iniligtas mo ako noon. Tsaka, bakit pala ayaw mong umuwi?"
"Wala naman akong kasama sa bahay, bakit nga pala mag isa ka rito?"
"Nasa Probinsya ang Mama ko at dito nagtatrabaho. Ikaw bakit ka mag-isa?" tanong ni Shaira dito.
"Because the world fucked me up," sambit ni Manuel habang seryosong nakatingin kay Shaira.
Sinubo ni Shaira ang isang buong slice ng pizza dahil anytime pwede na siyang kainin ng lupa sa tindig ni Manuel.
"Ang takaw mo pala dapat tatlo na ang binili kong box.”
“Huy hindi naman!”
"I Guess you don't have a boyfriend?"
"Wala akong time. Besides, sabi ni mama huwag ma inlove sa Manila boy. Siguradong manloloko raw ng babae," diretsong sagot ni Shaira, nalimutan niyang Manila boy pala ang kausap niya.
Tahimik lang si Manuel at tumango sa kanya.
"That's true, but let me correct you. Hindi lahat manloloko. Nandito naman akong seryoso."
Tumaas ang kilay ni Shaira at inirapan ang binata na may nakakalokong tingin.
"Mukha ba akong nagbibiro, miss Shaira?"
![](https://img.wattpad.com/cover/237638190-288-k412556.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...