CHAPTER 29
Maagang bumangon si Shaira upang ipagluto si Kean. Nahihiya siya dahil suot lamang niya ang polo ni Kean. Parang lion si Kean dahil nasira nito ang damit niya kagabe.
“Tulungan ko na po kayo.”
“Huwag na ma’am, marumihan ka pa.”
“Okay lang po. Ano po bang lulutuin niyo?”
“Pakiramdam ko, tapsilog. Nabaliw si Sir Kean doon at palaging iyon ang request. Magpupurga na nga po kami eh,” nagtawanan ang mga kasambahay pati si Shaira.
“Good morning Mama Shaira!” nagpabuhat si Katrina sa kanya at tuwang-tuwa naman ang si manong Noel na makitang masaya ang bata.
"Wala po ba kayong pasok?"giit ni Katrina
"Half day ang pasok ko today dahil maglalaro tayo!"
Sobrang saya ni Katrina at pinaghahalikan sa pisngi si Shaira. Bumaba si Kean na naka corporate attire. Halatang nagulat siya kay Shaira dahil naka punggol lamang ang buhok nito pagkatapos suot pa ang polo niya.
“Papa huwag na po kayo pumasok!”
“May aasikasuhin ako anak, isa pa may pasok rin si Shaira.”
“Pero kumain po tayo ng sabay-sabay okay?!” aniya ni Katrina at tumakbo papunta sa lamesa. Lumapit si Kean kay Shaira at humalik sa pisngi nito. Gustong maglulundag ng mga kasambahay sa sobrang saya.
"You look hot with my polo."
“Iyan ka na naman,” suway ni Shaira. Pinatikhim ni Shaira ang kanyang niluluto kay Kean nang lumagpas ito sa labi ni Kean. Gamit ang daliri ni Shaira, kinuha niya ito at kinain.
"Don't do that again!" bulong ni Kean.
"Bakit? Sayang 'yung sauce."
"You're making me hard, Shaira. Don't do that again."
Tumikom ang bibig ni Shaira at pasimpleng tumawa. Bago mag umpisang kumain, binuhat ni Kean si Katrina papunta sa sala upang kausapin.
“Anak, I have to tell you something between me and your mom Camille.”
“Hiwalay po kayo tama?”
Napahilamos ng mukha si Kean at umiling.
“Yes, alam kong nararamdaman mo iyon at nakuha mo pa akong unahan magsalita.”
“She’s still my biological mom. Like my classmates, pero masaya naman po ako na dalawa ang Mama ko. Lalo na kay Mama Shaira!”
“I’m sorry anak sa lahat ng pagkukulang ko.”
“It’s okay Papa. Ikaw po ang pinakamabait na Papa sa buong mundo! Papa please, dito na lang tumira si Mama Shaira!”
“Okay, I’ll ask her.”
Nang matapos sila sa pagkain, nakipaglaro si Shaira kay Katrina. Nagpagupit din ito tulad ng bangs ng dalaga. Nag half day din sa trabaho si Kean dahil gusto rin niyang makigulo sa dalawa. Nagmukhang bahay ang mansyon dahil sa sayang hatid ni Shaira.
“Bakit ka lumalayo sa akin?” aniya ni Kean dahil pagbaba ng sasakyan sa underground parking, nauna na siyang naglakad kay Kean.
“Kean, nasa trabaho tayo. Lalong hindi ka pa legally separated with your wife.”
“Fine!”
“Ay grabe ang sungit!”
Nagmamadaling pumasok si Shaira at naabutan niya si Sam na mukhang aalis na rin.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...