CHAPTER 36
Nagising na lamang si Shaira sa tapik ni manang, pakiramdam niya’y napakabigat ng araw para sa kanyang kaarawan.
"Madam, bakit dito po kay natulog?"
"Manang si Kean po?"
"Kanina pa po siya umalis nag mamadali rin po siya."
Napaisip si Shaira at tiningnan ang cellphone ngunit wala namang message na iniwan si Kean.
"Ni hindi man lang nag notify kung saan pupunta."
Bumangon siya upang pumunta sa bagong kumpanya na kanyang pinagtatrabahuhan. Buong akala niyang si Kean ang tumatawag, ngunit si Arthur pala. Hindi niya ito sinagot at tinago ang cellphone sa bag.
"Alam ko namang sanay ka na sa training, so ito ang position mo," saad ni Arthur.
"Really? Edi magkasama tayo?"
"Oo, sayang wala si Samantha edi sana tayong tatlo ang magkakatrabaho.”
“Salamat ha? Buong akala ko sa Razon's ka na tuluyang nagtatrabaho."
"Ayoko ang boss doon."
"Bakit?"
"I don't like Kean Jason Harder, lalo na't first time ko siyang nakita noong job fair."
"Ganoon ba 'yon? O Judgemental ka lang?"
Hindi sumagot si Arthur. Nakuha agad ni Shaira ang trabaho habang masayang kasama si Arthur. Kahit papaano ay naibsan ang kalungkutan niya.
“Sabay kaya tayo ng lunch?”
“Sure! Sa tapsilogan tayo!”
Sa kabilang dako, walang kasing init ang ulo ni Kean sa mga empleyado, pati sila Cynthia hindi magawang makipag usap sa kanya.
"Bro, kagabi ang ayos niyo lang ni Shaira ha? Birthday pa naman niya ngayon."
"Damn it Xy," biglang sumagi sa isip niya ang araw dahil nilamon na naman siya ng pagseselos.
"Sinasabi ko sa’yo, bro. Manage your anger, lalong iba si Shaira kay Camille. 'Di hamak mas matino ang girlfriend mo sa ex-wife mo."
Dali-daling kinuha ni Kean ang susi ng kotse at tinungo ang flower shop upang bilhan si Shaira. Samu’t sari ang nasa utak niya, dagdag pa ang anak niyang si Callix na kinuha ni Camille.
Nang matapos siya sa pagbili, narating niya ang opisina kung saan nagtatrabaho ang nobya, kinuha niya ang cellphone at tinawagan ito. Hindi mapalagay si Kean at bumaba ng sasakyan. Ilang sandali at nakita niyang lumalabas ng opisina si Shaira kasama si Arthur, abot langit ang ngiti ng kanyang nobya at sinakay pa ito sa kotse ni Arthur.
Halos masira ang dala niyang bulaklak sa sobrang selos. Bumalik sa kanyang isipan ang pangyayari noong niloko siya ni Camille. Gusto niyang sundan ngunit mas nauna ang takot na makita niya si Shaira na may ginagawang masama kasama si Arthur.
“Lolokohin mo rin ba ako?”
Binalibag ni Kean ang bulaklak sa loob ng frontseat at dali-daling umuwi sa bahay. Nakasalubong siya ni manong Noel, at kitang-kita ng matanda kung paano binasura ni Kean ang bulaklak.
“Nag away yata sila?” aniya ni manang.
“Hindi ko alam, kaarawan ni Ma’am Shaira ngayon.”
Kung ano-ano ang iniisip niya habang umiinom sa loob ng kwarto.
"Sex with Arthur? They kissed? What else? Tang ina hindi ko ba siya na satisfy?!" bigla niyang binato ang baso kaya gumawa ito ng ingay na nakakapukaw ng atensyon nila manong Noel.
Alas sais ng gabi, bumaba si Shaira ng taxi at may bitbit na cake para na rin kay Kean at Katrina. Pagtapak niya sa unang baitang, nakita niya ang bulaklak na nakatapon. Pinulot niya ito at nakita ang Maliit na card.
"Happy Birthday my future wife, Shaira."
Gusto niyang ngumiti pero nagtataka siya kung bakit patapon-tapon lamang ang bulaklak.
"Manong si Kean po?"
Nagulat si Manong Noel at hindi rin mapinta ang mukha.
“Bakit po ganyan ang itsura niyo?"
"Madam, si Sir kasi kanina pa nagwawala sa itaas."
Napatakbo si Shaira at nang makita niya si Kean, may ilang gamit na basag at nagkalat sa sahig.
"Kean! Ano bang nangyari sa’yo?"
Tumayo si Kean at hinalikan siya nito, halos malamog na ang braso ni Shaira dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng nobyo.
"Kean nasasaktan ako! Ano bang nangyari sa’yo?!"
Hindi tumigil si Kean at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito.
"Ano ba? Dinadaan mo na naman sa init ng ulo!"
"Mainit ang ulo? Baka ikaw! Why? You are not satisfied with me?! Kitang-kita ko kayo kanina ni Arthur!" Mariin nitong sinakmal ang magkabila niyang braso upang mapalapit sa katawan ni Kean.
"Aray! Nasasaktan ako!"
"Tell me Shai, ano pang dapat kong gawin para hindi ka sumama sa ibang lalaki tulad ni Camille?!"
Hindi napigilan ni Shair na dumapo ang kanyang kamay sa mukha ni Kean.
"Are you out of your mind?! Dito, inuuwian kita! Naging nanay na ako ng mga anak mo! Araw-araw kung gusto mo akong angkinin, hindi kita tinatanggihan. Pagkatapos ikukumpara at pagbibintangan mo ako na naghahanap ng iba? Kean, kaibigan ko si Arthur!”
"Friend? Lalaki ako Shaira, alam ko ang kilos ng kapwa ko! Tang ina akala kong iba ka kay Camille pareho lang kayo!" binitiwan siya ni Kean at tinalikuran.
Hindi napigilan ni Shaira ang patuloy na pag iyak. Napahawak siya sa kanyang dibdib bago magsalita.
"Binigay ko ng buong-buo sa'yo, bakit ganyan ka mag isip sa akin? Hindi ba dapat ako ang magalit kasi patuloy akong inaapi ng ex wife mo? Pinagtitiisan ko lahat ng kabulastugan at kabastusan niya sa akin, tapos ikukumpara mo lang ako sa kanya? If you have trust issues Kean, huwag ka nang umibig pang muli. Just focus with your children," tumalikod si Shaira at pinulot ang kanyang bag.
“Salamat sa birthday gift, Kean."
Sa kanyang paglabas, sinalubong siya ni Katrina habang umiiyak. Hinagkan siya ng bata at ayaw pakawalan.
“Mama, don’t leave us.”
“Magpapahinga lang muna ako, mahal kita Katrina. Lagi mo ‘yang tatandaan okay?” pilit niyang inalis ang pagkakayakap ni Katrina at sinenyasan si manang na pigilan ang bata na sundan siya.
“Mama, don’t leave us! Mama Shaira!”
Sa kanyang paglalakad sa labas, umaasa siyang habulin ni Kean, hanggang sa makauwi siya sa bahay ni Sam. Walang Kean na tumawag sa kanya.
“Bakit ka umiiyak? Baka hikain ka!” aniya ni Sam.
Hinagkan ni Shaira ang kaibigan dahil sa sobrang sama ng loob.
“Nag away kayo? Birthday mo ha? Sinaktan ka ba niya?”
Napaatras si Shaira nang hawakan ni Sam ang magkabila niyang braso.
“Tang ina, sinaktan ka nga!”
“Sam, nabigla lang siya kaya hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.”
“No, hindi dahilan iyon! Dito ka muna at pagsasabihan ko ‘yang si Xyrus na pagalitan ang kaibigan niyang gago!”
“Please, huwag na. Galit si Kean sa akin. Akala niya nanlalaki ako dahil kay Arthur.”
“Eh isang kilong gago pala ‘yan eh? Araw-araw magkasama kayo! Naiintindihan ko naman siya na may trust issues, pero iba ka kay Camille!”
“Huwag mo na rin sabihin kay Xy, dito na muna ako.”
![](https://img.wattpad.com/cover/237638190-288-k412556.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Roman d'amour"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...