CHAPTER 33
Halos hindi nakatulog si Kean dahil pinatulog siya ni Shaira sa sala. Pag upo niya, nakangiti lamang siya habang inaalala ang ginawa ni Shaira sa kanya. Habang malamig ang simoy ng hangin, lumabas siya ng bahay upang magpahangin.
“I want to live here, malayo sa trapik, usok at tahimik ang paligid. Pero hindi kami pwede ni Shaira rito, baka umabot ng dalawang dosenang anak namin.”
"Hiijo ang aga mo?" aniya ni nanay Lizel.
“Good morning po Ma’am.”
“Call me nanay na lang. Ilang taon ka na pala?
"Thirty Nine po."
"Iyang babae lang ba ang anak mo?"
“Dalawa po, si Katrina at si Calix.”
“Bakit si Shaira ang pinili mo?
“She accepted me, she makes me feel happy. Mahal niya po ang mga anak ko.”
"Siguraduhin mong hindi mo sasaktan ang anak ko dahil gagawin kitang abono sa palay."
Halatang namutla si Kean at hindi ngumiti.
“Biro lang! Nako at Manila boy nga talaga ang bumihag sa anak ko.”
“I want to marry your daughter after my annulment.”
Humagalpak sa tawa si Lizel habang nakatingin kay Kean.
“Bakit po, nay?”
“Pambihira ang anak kong probinsyana, nakakatawang igalang mo ang anak ko. Sana’y hanggang sa pagtanda niyo ganyan pa rin kayo sa isa’t isa. Noon ang nobyo rin niyang gwapo na seryosong minahal ang anak ko. Teka, paano ba kayo nagkakilala ng anak ko?”
“She’s my wedding singer, my employee at higit po sa lahat dahil sa ngipin niyang may chocolate.”
Mas lalong tumawa si Lizel at ang pagkakataon nga naman ay walang pinipili.
“Hijo, bago ko makalimutan. Hinding-hindi pwedeng sumama ang loob ni Shaira. May hika siya at noon na namatay ang ama niya pati na ang kanyang ex, sinumpong siya noong nandito siya. Ipagkakatiwala ko sa’yo ang anak ko.”
“Salamat po sa tiwala, makakaasa po kayo.”
Kahit mainit at tirik ang araw Nasa labas si Kean at Shaira para mag harvest ng mangga. Naiwan si Katrina sa nanay ni Shaira dahil ayaw din pasamahin ng dalaga ang bata dahil sa sobrang init.
“Manila boy ka talaga napaka lamya mo,” aniya ni Shaira at siya ang nagbitbit.
“Kaya nga I want to learn. Ayaw mo akong turuan, nambubulyaw ka lang.”
Binato ni Shaira ng bayabas si Kean at napikon ang nobyo. Nakuha nilang maghabulan hanggang sa putikan ng palayan.
“Kean nakakahiya!” tili ni Shaira dahil binuhat siya ni Kean. Pinagtitinginan sila ng mga magsasaka at natutuwa na akala mo’y nanonood ng teleserye.
“Open your legs!” utos ni Shaira.
Lumapit si Kean sa kanya at humalik sa pisngi.
“Open your legs, Shaira.”
“Kukurutin na kita, hinahaluan mo ng kapilyohan ang pagsisibak! Kapag ikaw naputulan ng paa.”
Hindi makuha ni Kean ang gustong iparating ni Shaira. Lalong ang pagsibak nito at kubit at mali.
“Paano ka papasa kay Mama? Pagsisibak ng kahoy hindi mo kaya.”
“Bibili na lang kita ng kabayo at kalabaw.”
![](https://img.wattpad.com/cover/237638190-288-k412556.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Любовные романы"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...