Chapter 47- Please

672 57 21
                                    

CHAPTER 47

"Saan ka galing bakit ang itim niyo ni Xiara?" tanong ni Xyrus kay Sam.

“Nag swimming, ang init kasi,” pagdadahilan ni Sam. Hindi niya binaba ang ilang bag nila ni Xiara upang hindi makahalata ang asawa.

“Seriously? Eh ano ‘to?” biglang inabot ni Xyrus ang brown envelope kay Sam.

"Sinasabihan mo akong kunsintidor pero ano 'yan? Explain, Samantha! Naaawa ako kay Kean, he's willing to change for Shaira! Bakit kinukunsinti mo at kasama niyo pa ni Cynthia patago pati ang lalaki ni Shaira na si Arthur?!”

"Kung masaya na si Shaira hayaan mo na siya." 

"Sino 'yung bata? Anak ba nila 'yan ni Arthur?" 

"Hayaan mo na sila sa buhay nila Xyrus. Pwede ba, may sarili tayong buhay at isa pa kung kasama ko si Shaira kaibigan ko siya. Hindi ko pakikialaman ang buhay niya para lang kay Kean."

Tumalikod si Samantha at kinabahan sa nabukong sikreto. Kilala niya si Xyrus, hindi ito titigil hanggat hindi nakakahanp ng kasagutan. Noon na galit ito kay Kean dahil sa nagawa niya kay Shaira, pero ngayon na nakuha na niyang maawa sa kaibigan.

Umagang-umaga sa trabaho, naabutan niya si Kean na nakatulala habang may hawak na bote ng alak.

"Aga ng alak mo?"

“Well, this is my water." 

Inilapag ni Xyrus ang brown envelope kay Kean. Kunot ang noo nito at pinagmasdan lamang ito.

"Open it, para naman masampal ka na ng katotohanan at itigil mo na ang kahibangan."

Nang mabuksan ni Kean ang envelope, pinigilan niyang lukutin ang litratong nakita.

"Bakit mo pinapakita 'to sa akin?" 

"Para itigil mo na ang kahibangan mo. Can't you see? Ikaw na lang ang nagmamahal, Kean. Bilang kaibigan mo, naaawa na ako sa sitwasyon mo. Ang dami mong napabayaan, kamuntikan mo ng mapabayaan ang insurance company dahil lang sa babae.”

Gustong-gusto niyang basagin ang lahat ng gamit sa loob ng opisina. Tumayo ito at kinuha ang susi ng kotse. 

"Saan ka pupunta?"

"I'm going to hell," matamlay na sagot ni Kean. 

Alas nuwebe pasado ng gabi, walang humpay sa pagsasaya si Shaira kasama si Arthur.  Para bang naging kapatid na niya ito. Bukod sa ninong pa ito ni Kasper.

“Oh, tama na ang alak. May pasok ka pa bukas!” pagpigil ni Arthur.

“Last na lang bestfriend!” aniya ni Shaira at ngumiti.

“Halika na, ang init na sa loob. Magpahangin na muna tayo!”

Mula sa long beach white sand, naglalakad si Arthur at Shaira. Iniwan niya ang Bukidnon at nandito na  sa Boracay ang bago niyang buhay. 

“Alam mo ba Arthur, kamukha mo iyong ex kong namatay. Ang pangalan niya ay Manuel.”

“Really? Edi ang gwapo!”

Hinawakan ni Shaira ang magkabilang mukha ni Arthur at tumingkayad upang maabot niya ito.

“Ang gwapo talaga!” tili ni Shaira.

“Yuck! Oh my gosh, hindi kita type gaga!” 

Tawang-tawa si Shaira sa reaksyon ni Arthur, diring-diri ito sa presensya niya.

“Halika na nga! Gusto ko na rin matulog!” inakbayan ni Arthur si Shaira at sabay na naglakad.

    “Arthur!” bulalas ni Shaira nang bigla itong bumulagta sa white sand. Sa pagharap ni Shaira, hindi siya nagkakamaling si Kean ang sumipa kay Arthur.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon