CHAPTER 31
Hawak ni Kean ang bouquet of flowers at hinihintay niyang lumabas ng bahay si Shaira. Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nag AWOL si Shaira. Si Kean ang gumawa ng formal resignation letter ng nobya.
"Shaira, nand’yan ulit si Kean."
"Hayaan mo siya. Pakiramdam ko alam ni Manuel na si Kean ang may ari ng Insurance.”
“Ibaon mo na ito sa limot, nananahimik na ang kaluluwa ni Manuel. Tulad ng sinasabi mo sa akin, focus sa present. Saan ka pala pupunta pag alis ni Kean sa labas?”
"May lalakarin ako, Sam.”
"Bakit hindi mo kaya siya harapin?"’
"Akala ko bang galit ka sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin Sam?"
"Galit ako oo, pero hindi naman din tama na hindi mo siputin ang isang tao kung gusto lang makipag usap. Hello girl, maghapon nakatayo ‘yan sa labas. Pabalik-balik para lang makausap ka. Kung ayaw mo na talaga, bigyan mo ng closure, ‘yung walang halong galit."
"Wala nang dapat pag usapan. Ayoko na rin maging konektado sa kanya. I can't imagine, pumatol ako sa single dad. Akala ko mamahalin ako at magiging tapat tulad ni Manuel. Tang ina, binata o hindi parehong masakit sa puso."
Hindi nakakibo si Sam at ramdam niya ang sakit ng nararamdaman ng kaibigan.
“Pagkatapos kong ibenta ang bahay at sasakyan ni Manuel, uuwi na ako ng Bukidnon at doon na ako magtatrabaho. Hindi para sa’kin ang Manila.
"Shaira naman, iiwan mo na ako rito?"
"Kailangan ko nang pahinga.”
"Kung ikakabuti mo, mabuti na pagalingin mo muna ang iyong puso. I’ll go ahead, mag iingat ka rito ha?”
Sa paglabas ni Sam, buong akala ni Kean na si Shara ang parating.
“Go home, walang balak si Shaira.”
“No, I will for her. I will win her heart again.”
Makalipas ang ilang minuto, muling may kumatok sa pintuan at padabog na binuksan ni Shaira.
“Sam nama- Kean ano ba!”
Pilit nakipagtulakan si Shaira sa pintuan ngunit kulang ang lakas niya para maisara ito ng tuluyan. Kinabig ni Kean ang pintuan at napaatras si Shaira. Ayaw niyang makita si Kean dahil siguradong lalambot ang puso niya sa nobyo.
“Please, talk to me. Ayokong makipaghiwalay sa’yo.”
“Tama na nga sabi. Kahit maglupasay ka pa ayoko na!”
Hinagkan ni Kean si Shaira, at ito ang ayaw niya. Naramdaman niya muli ang init ng katawan nito na nagpapatunaw sa kanyang puso. Hinarap niya si Shaira at pinunasan ang luha nito.
“I will be more careful. Please give me one last chance.”
“Tama na, sasaktan mo lang ako ulit.”
“Liligawan kita, kahit matagal. Basta alam kong sa akin ka. Please forgive me, gagawin ko ang lahat.”
Marin na hinalikan ni Kean ang labi ni Shaira bago pa ito sumagot. Nahumaling at uhaw na uhaw si Kean sa labi ng nobya. Traydor ang katawan ni Shaira dahil mas hinatak niya pa ang nobyo papalapit sa kanya.
“Oh gosh! Kean!” hiyaw niya nang binuhat siya nito upang mahiga sa lamesa.
“I love you Shaira. Mahal na mahal kita.”
Mabilis pa sa alas kwatrong inalis ni Kean ang buong damit. Wala siyang pakialam kung nalaglag pa ang bouquet pati na ang ilang gamit sa lamesa. Pinagkatiwala muli ni Shaira ang buong pagkatao kay Kean.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...