CHAPTER 37
"Bro bakit mo naman ginawa 'yon?"
"Hinawakan ko lang naman siya."
"Kahit na, nakita mong babae 'yon. Pare anong balak mo?"
"Galit ako Xy, pinagsabihan ko na siyang huwag lumapit o sumama sa gago niyang kaibigan, kamukha kasi ni Manuel kaya sumama siya."
"Bro, umiiral na naman ang pagiging wala sa hulog na seloso mo! Imagine si Samantha rin naman nakakasama si Arthur pero hindi ako nagagalit kasi may tiwala ako sa kanya, lalong alam kong hindi niya sisirain 'yon. Ang trust issues mo kay Camille huwag na huwag mong ihahalintulad kay Shaira. Iba ang nakaraan sa kasalukuyan."
Napabuntong hininga si Kean at nakuha ang punto nito.
"I'll go now."
"Oh saan ka pupunta?"
"Shaira, I will apologize. I love her more than my fucking ego."
Pagewang-gewang sa paglalakad si Kean ngunit pinilit niya pa rin na magmaneho upang puntahan si Shaira.
Patulog ngunit naisipan magtimpla ng gatas ni Shaira. Ilang tingin din siya sa cellphone dahil hinihintay niyang mag-sorry si Kean sa kanya. Ilang segundong nakatingin si Shaira sa cellphone at halos mabitiwan niya ito nang mag-pop out ang call ni Kean.
“Hello?”
“S-Shaira.”
Kinabog ang puso ni Shaira nang marinig niya ang sasakyan ni Kean na nag-aalarm.
“What happened?”
“Help.”
“Kean! Ano ba asan ka?!
“Car a-accident. N-near y--.”
Hindi mapigilan ni Shaira na humagulgol habang hinihintay niyang sagutin ni manong Noel ang tawag.
2 AM, natagpuan ni manong Noel si Kean at dinala sa ospital, habang si Shaira na nakatulala na nakahawak sa kamay ni Kean.
“Ano ba kasing ginagawa mo? Ayokong mabyuda, bakit ka ba naglalasing pagkatapos magmamaneho,” humahagulgol siya habang nakatingin lamang kay Kean. Hindi niya mapigilan na yumuko habang mahigpit na nakahawak kay Kean.
“Napaka stubborn mo, hindi ka nakikinig. Agad kang nagagalit!”
Wala siyang kamalay-malay na nakamulat na ang mga mata ni Kean. Bahagyang tinaas ni Kean ang isang kamay at hinawakan ang buhok ni Shaira.
“Kean!”
"I'm sorry Shaira. I love you, sorry," mahinang sambit ni Kean.
"Ano ba kasing trip mo?"
"Pupuntahan dapat kita, I want to apologize."
"Huwag ka nang iinom ha! Ako ang hahampas sa ulo mo kapag inulit mo 'yan!"
Pilit na ngumiti si Kean habang nakikita niyang umiiyak si Shaira.
"Where's my husband!?"
Tila nagising ang diwa ni Shaira nang marinig ang boses ni Camille. May kasama pa itong Doctor at nakataas ang kilay sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" mataray na tinanong ni Shaira.
"Malamang, I'm her wife. Mrs. Harder. Oh, how are you baby," aniya ni Camille at hindi nagpatalo.
"Sorry Sir, my nurse just called Mrs. Harder."
"She's not my wife,” tinaas ni Kean ang kaliwang kamay at tinuro si Shaira. “She’s my wife, Shaira Harder.”
“Wow, ano ito lokohan? I’m your legal wife!”
“Sir, excuse for a while,” giit ng Doctor at dali-daling lumabas
"Get out Camille," mahinang sinabi ni Kean. Ngunit hindi nag paawat si Camille at hinawakan pa ang noo ni Kean.
"Bitiwan mo si Kean! Hindi mo ba siya narinig?"
"Don't touch me, gold digger!"
"Lumabas ka na, Camille. Kung ayaw mong ikaw ang pumalit kay Kean dito!" asik ni Shaira.
"Wow? Ang tapang talaga ng mga kabit,” pag tawa nito. Akmang magsasalita si Shaira pero hinawakan ni Kean ang kamay niya.
"I said, get out Camille!” buong lakas na sinigaw ni Kean
Walang kibo at biglang lumabas si Camille. Muling hinawakan ni Kean ang kamay ni Shaira at ngumiti.
“I love you, don’t be mad.”
“Nakakainis naman kasi!”
“I’m sorry again, hindi ko ginusto na saktan ka.”
“Just trust me, okay?”
“Yes, I love you.”
Nang dumating ang umaga, si Katrina na ang nagbabantay sa kanyang ama. Habang si Shaira na bumili ng pregnancy test. Ilang weeks na rin siyang delay at pakiramdam niya’y may nabuo na sa kanyang sinapupunan.
Kinakabahan at panay pabuga ang hangin na lumalabas sa kanyang bibig habang hinihintay ang resulta.
“Sana po posi--.”
Napaupo sa bowl si Shaira at aminadong diskompyado siya sa negative result.
“Hindi pa talaga siguro ngayon.”
Sa kabilang dako, hindi makapaniwala si Kean na legally separated na siya kay Camille, ito ang balitang hatid ni Dorothea sa kanya habang nakaratay sa ospital.
“Ito na ang simula, Shaira,” labis ang saya sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...