CHAPTER 19
At Retro Bar...
“Sabi ko sa’yo huwag kang maharot. Tutusukin ka lang ni si Xyrus pagkatapos iiwan ka na!” aniya ni Shaira kay Sam habang sila’y nasa comfort room.
"Ano ba Shaira, single dad naman siya!"
Sa kanilang paglabas, nahuli ni Shaira ang mga mata ni Kean na nakatingin sa kanya. Ngumiti na lang ang dalaga dahil masyadong seryoso ang itsura nito.
"Sir Kean, bakit po kayo may pasa sa mukha?" aniya ni Sam. Dahil wala sa tamang timpla si Kean, hindi niya sinagot ang tanong ni Sam.
"Anyway birthday ko ngayon kaya nilibre ko kayo! Let’s party!" hinatak ni Xyrus ang kamay ni Sam at sinama sa dance floor. Sumunod si Cynthia pagkatapos ay na iwan sila Kean at Shaira sa kanilang pwesto. Tatlong bote at pulang-pula na ang mukha ni Shaira.
"You look drunk," saad ni Kean.
"Ano po?"
"Sabi ko mukha ka nang lasing!" Lumapit ito sa kanya.
"Ah hindi pa."
"You're blushing, itigil mo na 'yan."
"Sir I can manage." Tumayo si Shaira para lumapit sa tatlo na nasa dance floor at nakikigulo sa basaan ng mga alak.
Umukit ang ngiti ni Kean sa kanyang mga labi nang makita kung gaano katigas sumayaw si Shaira. Ngunit sa kabila nito ay pinupunit ang kanyang puso. Gustong-gusto ng makipaghiwalay ni Camille kay Kean, ngunit si Kean na handang tanggapin ang pinagbubuntis ni Camille sa ibang lalaki. Hinablot ni Cynthia ang kamay ni Kean upang sumayaw kasama nila sa dance floor. He stood up at pinagmamasdan ang apat. Natapakan ni Shaira ang paa ni Kean at inirapan ang boss.
“Attitude Lancaster,” asik nito ngunit hindi siya pinansin. Sa sobrang kamalasan, natapunan siya ng alak ni Xyrus sa dibdib. Hindi napigilan ni Kean na batukan ang kaibigan pagkatapos ay bumalik sa pwesto.
Muli siyang nagmasid, nakita niya ang isang lalaki na dinikitan si Shaira, umiwas ang dalaga ngunit mapilit ang lalaki. Lumapit si Kean at hinapit ang balakang nito papalapit sa kanya.
“Stop dancing, lasing ka na.”
Makalipas ang ilang oras, inabot ng madaling araw ang lima sa kalsada. Naglalakad si Shaira ng pataob-taob hanggang sa lumuhod ito sa daan.
“Manuel, lasing na naman ako,” giit niya habang sinisinok.
“Uuwi na kami, Kean hatid mo si Shaira!” pagmamadali ni Xyrus at biglang in-start ang sasakyan.
“Fucker! Isabay niyo na!” he shouted.
“Aalis kami ni Sam, pagkatapos kong ihatid si Cynthia!" sigaw ni Xyrus.
Napakamot na lang ng ulo si Kean nang makita si Shaira na nakaupo sa kalsada.
“I’m a caregiver now. Kung hindi mo lang niligtas ang anak ko hindi talaga ako tutulong sa babaeng lasing.”
Inangat ni Kean ang mukha ni Shaira at nakita niyang umiiyak ang dalaga.
“Iniwan mo ‘ko agad!” hinampas ni Shaira ang binti ni Kean gamit ang takong. Napapikit na lang si Kean dahil tumama ito sa kanyang buto. Hindi siya nakapag tiis at binuhat ang dalaga.
“Condolence to your lover and also your heart, Shaira. Condolence to us.”
Kinabukasan...
Hindi nakuhang makapasok sa trabaho ni Kean dahil sa biglang pag uwi ni Camille.
"Mama, please don't leave Papa!" pag iyak ni Katrina habang hawak nito ang maleta ng ina. Matigas ang puso ni Camille at walang reaksyon habang nakatingin kay Kean.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...