Chapter 22- Pretty Girl

662 58 11
                                    

CHAPTER 22

Sa pagtahak niya ng kalsada, iisa lamang ang alam niyang pupuntahan nito kung 'di ang terminal. Tama siya at nakitang naka upo si Shaira habang nakatulala. Hindi mawala sa isip ng dalaga ang mukha ni Kean noong ito’y kumakanta,

"Shaira ano bang inisiip mo?" 

Ang malayong pag iiisp ni Shaira ay biglang nagising sa katotohanan nang makita si Kean na nakatayo sa harapan niya.

"I'm sorry, I'll pay your three days salary plus raket. Gusto kang kasama ng anak ko. Alam ko nakakahiya na nakikiusap sa’yo lalo na't may sarili kang buhay, pagkatapos ginugulo ka namin."

“Ah-eh sige po.”

Sinenyasan siya ni Kean upang siya’y sumunod sa sasakyan, pinagkukurot ni Shaira ang sarili dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman.

“Punyeta ka Shaira, ano bang ginagawa mo? Bakit mo ba iniisip ang boss mo!”

             Kinagabihan...

    Naiwan sa isang beach resort si Kean, Katrina at Shaira. Ang bunsong anak ni Kean na si Calix ay inuwi dahil kinakailangan i-monitor ang kalagayan nito.

    “What do you want to eat, Katrina?” wika ni Kean.

"I want to sleep po."

Pinatulog ni Kean ang anak dahil pagod ito sa buong maghapon. Sa pagtulog ni Katrina, iniwan niya ito sa kwarto. Lumabas si Kean upang puntahan ang mini bar ng resort. Sa kanyang paglalakad, nadaanan niya ang kwarto ni Shaira na sarado.

“Hay, nakakahiya talaga sa kanya.”

Pagdating ni Kean sa mini bar, pumukaw sa kanyang mga mata si Shaira. May kausap itong amerikano. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang dalaga, flawless at napaka ganda nito. Dagdag pa ang pula niyang mga labi. Nang matapos makipag usap si Shaira, na isipan niyang lumangoy. Hinubad niya ang kimono cardigan na binigay ni Dorothea sa kanya. Biglang nasamid si Kean nang makitang naka two piece si Shaira. Nagtagpo ang kanilang mga mata at sa pagtalikod ni Shaira, hindi niya inaakala na malalaglag siya sa pool. 

Mula sa kinauupuan ni Kean mabilis siyang lumapit kay Shaira.  Hindi umaahon si Shaira at nahihiya na makita siya ng boss na ganito ang suot dahil buong akala niyang tulog na ang mag ama.

“Please umalis ka na!” bulong ni Shaira sa sarili habang nakalublob ang sarili ng pool.

Ilang sandali at lumundag si Kean upang sagipin si Shaira. Naramdaman ng dalaga na hinawakan siya ni Kean sa beywang at hinatak upang umahon.

“Ouch! Bakit mo ako sinampal!” asik ni Kean kay Shaira. Namilog ang mga mata ng dalaga dahil sa sobrang pagpa-panic niya, nakuhang dumapo ng kanyang kamay kay Kean.

“Sir, nagulat po ako! Okay lang naman po kasi ako.”

“Akala ko nalunod ka na, bakit naman kasi biglang tumatalon ng gano’n. Akala ko nalaglag ka nang aksidente,” panenermon nito.

“Sorry po.”

“Umahon ka na, malamig. Gabing-gabi ganyan ang suot mo,” mahinang sinabi ni Kean.

“Ano po?”

“Wala, umahon ka na.”

Sumunod naman si Shaira habang yakap ang sarili, magkadikit ang kilay ni Kean habang hawak nito ang kanyang pisngi. 

“Ito tuwalya, malamig. Ang bigat ng kamay mo, Shaira. Parang na dislocate ang panga ko.”

“Sorry po, hindi ko naman sinasadya.”

Sumunod lang si Shaira kay Kean hanggang sa maupo sila. Pinakinggan nila ang showband sa mini bar ng resort.

“Sir, sample naman?”

“Huwag dito.”

“Sige na, sayang naman po ang talent. Ang galing niyo nga po kanina.”

“Okay,” tumayo si Kean at lumapit sa entablado.

“Wow, ang daling kausap ha?”

    Hinintay lang ni Kean na matapos ang na unang kumakanta pagkatapos ay hinawakan na niya ang gitara. Napalingon si Shaira sa ilang babae na pinag uusapan si Kean. Halatang kinikilig ang mga ito.

    “Hi, pleasant evening. I would love to dedicate this song to you,” giit ni Kean at tumingin sa pwesto ni Shaira.

    Nakita ni Shaira ang ilang mga matang nakatingin sa kanya, ngunit ang ka isa-isang tao na nagpatibok ng puso niya ngayon gabi, walang iba kung 'di si Kean. Para bang hindi kumukurap ang boss niya habang kumakanta ng Pretty girl by M2M, pero boy version ang kinanta ni Kean.

    “Please boss, huwag mo akong titigan. Hindi na ako natutuwa.”

    Hindi maiwasan ni Shaira na pindutin ang ilong upang pigilan ang kanyang kilig. Hanggang sa hindi niya napansin na natapos na ni Kean ang kanta. 

    “Bakit pinipindot mo ang iyong ilong, matangos naman ha?” aniya ni Kean.

    “Ha? Eh kasi makati lang po,” pilit niyang pagtawa. 

    “Pangit ba ako?” biglang tanong ni Kean.

    Halos masamid si Shaira sa alak na kanyang iniinom.

    “Anong tanong ‘yan sir? Ang gwapo mo nga, talented tapos kahit masungit may soft side naman!” nabigla rin si Shaira sa kanyang sinabi. Tinawanan lang siya ni Kean at lumagok ng alak.

    “E’di nagwapuhan ka pala sa akin.”

    “Hindi naman, sakto lang po.”

    “Tumatanggi ka pa? Sinabi mo na.

    Hindi sumagot si Shaira at inirapan lamang si Kean.

    “Damn that attitude, Shaira Lancaster. Palagi kang umiirap, ang haba siguro ng pasensya ng boyfriend mo sa’yo.”

    “Let’s not talk about our past relationship. Nasa present na po tayo, mas importante na sumaya kesa balikan pa ang malungkot na kahapon.”

    Narating nilang pareho ang sariling kwarto nang walang kumikibo at tanging ‘goodnight’ lamang ang lumabas sa kanilang mga bibig. Sa pagpasok ni Kean sa kanyang kwarto, tinungo niya ang banyo. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Shaira.

    “She’s right, hindi na kailangan balikan ang kahapon,” pumukaw ng atensyon ni Kean sa cellphone na walang humpay sa pagtunog.

    “What dick?” asik ni Kean.

    “Bro, nabalitaan kong kasama mo si Shaira? Nag-sex na ba kayo?” 

    “Fuck you, hindi kita katulad. Stupid Xyrus,” binabaan ni Kean ng tawag si Xyrus at pinatay ang cellphone. Madalas talagang tatawagan lang si Xyrus sa kanya upang mang-asar. Nang matapos siya sa pagligo, tinabihan niya ang anak na si Katrina. Sa pagpikit ng mga mata, mukha ng dalaga ang sumagi sa kanyang isip.

    “Damn it, Kean! Bakit mo ba siya iniisip?”


WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon