Chapter 21- Every Little Thing

648 50 8
                                    

CHAPTER 21

             Three weeks later.

    Namangha si Sahira nang makita ang sasakyan ni Kean sa harapan ng kanilang bahay. Buong akala niya na magco-commute lamang siya dahil sa separadong invitation na binigay ni Kean.

    “Mama Shaira!”

    “Hello Katrina and Calix! Hi sir.”

    Ngumiti lang si Kean sa kanya, aminado si Shaira na iba ang tindig ng kagwapuhan ng boss niya. 

    “Mas gwapo si Manuel,” she whispered.

    “Mama, are you ready na po sa three days’ vacation natin?”

    “Katrina, whole day lang si Shaira. Hindi siya kasama sa three days.”

    Hindi kumibo si Katrina at padabog na bumalik sa kanyang pwesto.  Kinagat ni Shaira ang ibabang labi dahil hindi niya alam ang gagawin. Sa ilang oras na biyahe, narating nila ang venue. Nakakapit lamang si Katrina kay Shaira at ayaw nitong kausap ang ama.

    “Hello Shaira!” nakipag beso si Dorothea kay Shaira.

    “Hello rin po.”

"Dear you need to change your clothes. Maganda ka na, pero you need to be more beautiful,” pinagtulakan siya ni Dorothea upang magpalit ng damit. Napangiti na lamang si Dorothea nang makitang napakaganda ni Shaira sa pinahiram nitong damit.

“Minsan lang namin magawa ang family reunion. Sobrang busy lahat sa trabaho at ang iba ay nasa ibang bansa. Mula sa Razon at Harder family,” pagkukwento ni Dorothea kay Shaira.

“Mama Shaira! You are so beautiful po!” hiyaw ni Katrina. Bahagyang tumawa si Dorothea at hinaplos ang braso ni Shaira. 

“Lola, hatakin ko na po si Mama!”

“Sure hija.”

“Sir, pupunta na po ako sa backstage,” pagpapaalam ni Shaira kay Kean. Tumango lang ito at muling binalik ang atensyon sa dalawang anak.

Habang siya’y nakatayo, walang kamalay-malay ang dalaga na sinulyapan siya ni Kean. From head to toe, pasado ito kay Kean. 

“She’s very innocent and pure, I like her for you,” biglang sulpot ni Dorothea.

    “Ma, marinig ka nang bata. Walang magaganap na gano’n. Besides, dalaga siya. Marami pa siyang makikita na walang sabit.”

    “Come on Kean Jason Harder, ikaw pa?  Baka mababalitan ko lang na kayo na. Sing a song with her! Mag-piano ka, paano ka makakabihag ng puso kung lelemyak-lemyak ka?”

    “No, I will stay here with my kids.”

    Ilang sandali ang nagsimulang kumanta si Shaira. Lahat ng nasa venue ay nakuha niya ang atensyon. 

    “She’s very talented, hijo. I love her na!” giit ni Dorothea at hinampas ang braso ng anak.

    Pilit na iniiwasan ni Kean na tumutok ang mga mata niya kay Shaira, ngunit kusa itong tumigil. Pumikit si Kean at pakiramdam niyang hinahawakan ni Shaira ang kaluluwa niya sa sobrang lamig ng boses nito.

"Play a song with her!" 

Napamulat si Kean dahil sa boses ng kanyang ina. Sa sobrang iritable ng lalaki, kusa siyang tumayo at pumunta sa backstage.

“Dorothea, wala na naman si Camille?” tanong ng tiya ni Kean.

“As usual, hindi naman sumama ‘yon," nag-iwas tingin si Dorothea dahil walang alam ang kanilang kamag-anak na lumayas papuntang California si Camille.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon