PROLOGUE

1.2K 38 8
                                    

Iniwan ba nila ako dahil kinakailangan, o pagkasilang ko palang ay batid na nilang ayaw nila akong pangalagaan?

Kahit alin diyan ang sagot sa mga hanggang ngayon ay nananatiling tanong lang sa aking isip, walang magbabago sa katotohanan na pinabayaan nila ako.

"Hello? Earth to Astraea?" kumaway si Nigel sa mismong tapat ng mga mata ko kaya nawala ako sa mga iniisip ko. Hinawi ko ang mga iyon, "Ano ba?"

Bumalik siya sa swivel chair niya na sa kanyang sariling cubicle na nasa tapat lang ng sa akin. Humilig siya dito at nagpaikot-ikot. "Kanina ka pa nakatulala diyan. Baka mamaya ay hindi ka pa matapos."

Pilit akong tumawa at muling binuksan ang desktop na kanina ko pa kasama magmula nang pumasok ako kaninang umaga. "Ay, hala!" dinig kong sigaw ni Ryone sa kanang gawi ko.

"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong sa kanya dahil nang tumingin siya sa akin ay halos naluluha na siya. "Hindi ko na-save yung ginagawa ko..." nagtakip siya ng mukha gamit ang dalawa niyang kamay.

Agad akong tumayo para tignan ang nangyari sa pinagtatrabahuhan ni Ryone mula kanina. Nanghina ako para sa kanya nang makitang nawala nga iyon! "Patapos ka na ba?"

"Oo, yung sources nalang ang kulang..."

"Tsk, tsk!" gatong naman nitong si Nigel. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya, pero tumayo din naman para lumapit sa amin na namomroblema. "Tabi nga," umusog kami at may kung ano-anong kinalikot si Nigel sa computer.

Pagkatapos ng ilan pang pagpindot sa kung anu-ano ay biglang bumalik ang kanina'y nawawalang document!

Napapalakpak ako, "Nice one, EIC!"

Napatayo sa sobrang tuwa si Ryone at tuluyan nang umiyak dahil sa ginhawa, "Holy shet! Grabe! Grabe! Akala ko katapusan ko na! Salamat, Lord!"

Humagalpak sa tawa si Nigel sa huling sinabi ni Ryone dahil nakayakap siya dito ay nagtunong na tinawag niya siyang ganun. Kahit gusto pa naming magtawanan ay napilitan kaming bumalik sa kanya-kanyang work station para magpatuloy.

Tumingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. "Uy, alas otso na pala." paalala ko sa dalawang kasama ko. "What is otso?" tanong ni Ryone.

"Eight." mabilis na sagot ni Nigel dahil sanay na kami sa palaging ganito. Tumingin ako sa labas ng malaking bintana dito sa opisina ng publication at nakita ko ang magagandang ilaw na nagbibigay buhay dito sa school kapag gabi na.

"Ang aga pa pala, kinabahan naman ako sa inyo!"

Tumango ako. Kanina pa nagsi-uwian ang ibang mga estudyante pero hindi naman na bago sa amin ang parating naiiwan dito. Actually, ang tawag sa amin ay mga tagapagsara ng school dahil kami palagi ang huling lumalabas.

Mas lalo na ngayong panahon ng mga deadlines para sa ginagawang diyaryo. "Hindi pa po ba kayo nagugutom?" tanong sa amin ng isa sa staff namin, si Isobel na siyang namumuno sa mga tagapagsulat ng balita.

Bumaling si Nigel sa kanya at agad namang nagblush ang nakababatang staff, napahagikgik kami ni Ryone. Ang lakas talaga nito sa mga babae. "Do you mind?" tanong ng pinakamamahal na EIC ng lahat.

Inabot ni Nigel ang wallet niya, ganoon din ang ginawa namin ni Ryone. Like usual, tinawag ni Isobel ang dalawa pang natira na staff, sina Wynona at Ezequiel para bumili ng pagkain sa canteen.

"I swear, one day, ako naman ang magsisilbi sa mga batang iyon." huminga nang malalim si Nigel.

"Mabait ka naman kasi masyado kaya tinutulungan ka nila!"

Tumango ako. Our junior staffs are really, really nice. Hindi nila kami binibigyan ng sakit sa ulo at ginagawa nila nang maayos ang responsibilidad nila. Isa na rin siguro sa mga dahilan ay yung mabusising pagpili ni Nigel sa kanila.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon