Chapter 11

253 15 28
                                    

Nasa opisina ako ngayon, umagang umaga para tapusin agad ang trabaho ko sa publication para ngayong araw. Mamaya kasing hapon ay magiging abala ako sa pag-aaral. Malapit na ang exams.

Ang kaso, hindi ako makapagconcentrate dahil nandito si Isobel at Wynona, nagdadaldalan.

"Kilala ko na 'yong sinigaw ni Seth nung concert nila," pagsisimula ni Isobel sa panibagong topic ng chismisan nila.

Pinapanood ko lang sila, humihiling na sana ay mapansin nila ako. 

"Oo nga! Pajarillaga pala apelyido nun, tapos bagong lipat lang this year!" sabi ni Wyn. 

Naku talaga. Walang epekto ang paninitig ko sa kanila!

"Nakita mo ba na siya? Ang ganda ganda, sobrang amo ng mukha! No doubt na magugustuhan talaga siya ng kahit sino."

Napailing ako. Ilang beses na sigurong nabulunan ang pinag-uusapan nila.

"Nasa kaniya na ang lahat! Maganda na tapos may pogi pang boyfriend! Have you seen his eyes up close? Grabe!" 

Iyon na 'yon? Lahat na 'yon para sakanila?

"Nakakainggit!"

I cleared my throat. Sabay silang napatingin sa akin.

"Wala ba kayong klase?" tanong ko. Nagtinginan naman sila bago napatingin sa relo nila at biglang nag-panic nang makitang mahuhuli na sila. "Omg!"

"Una na kami, Ate Trey! Take it easy sa work!" paalam ni Isobel. Kumaway naman si Wynona bago nagsara ang pinto.

Ayaw kong nakakarinig ng inggit mula sa ibang tao. Kapag ganoon kasi ay may tsansa na maisip ko rin iyon at magbalik ang mga pag-aalala ko sa mga bagay na wala sa akin. 

Hindi magandang pakiramdam ang inggit o selos. Nakakaubos ito. Hindi rin tama na maramdaman ito, lalo na kapag may kasamang galit sa taong kinaiinggitan. 

It burns you alive.

Hindi na rin ako nagtagal sa opisina dahil ako mismo ay may pasok rin naman, iyon nga lang ay pagdating ko sa classroom, free time din pala. "Use this time to review for the upcoming examinations." sabi ng prof.

Nagdiwang naman ang mga kaklase ko kaya napailing ako. Alam kong hindi nila gagamitin ito para mag-aral.

"Uy, tara! Sino gustong pumunta sa sports annex, balita ko may mga bisita doon galing sa ibang school. Malay niyo nandoon na pala ang the one!" dinig kong yaya ng isa kong kaklase.

See? 

Maaaring star section kami pero mahilig din sila sa last-minute na pagrereview. Sabi nila, kapag daw limang minuto na lang bago ang pagsusulit, doon lang pumapasok ang impormasyon sa utak nila.

Sino ba naman ako para pagdudahan iyon? 

"What are you going to do, Trey? Kain na lang tayo," sabi ni Ryone na kakalapit lang sa akin. 

Umiling ako, tinatanggihan ang offer niya. "Mag-aaral ako, Ry. Hindi mo ako maiimpluwensiyahan ngayon."

"Dali na kasi! Sa may basement canteen na lang, para malapit? Pretty please?" Kinurap-kurap niya pa ang mga mata niya at ngumuso para magpaawa.

Harap-harapan akong nangilabot sa ginawa niya kaya hinampas niya ako. "Hoy! Ano 'yon, Astraea? I am so cute kaya! It works on Shun!"

Inalis ko na ang tingin ko sa gawi niya para bumalik sa librong binabasa ko.

"Ayun pala, may jowa ka naman. Sunduin mo doon sa daycare at kayo ang mag-date." sabi ko na may halong panloloko sa boses.

"Bwiset!" Natawa ako sa sinabi niya dahil may accent pa ito. Padabog naman siyang naglakad papalayo, at sigurado akong gagawin niya naman iyong huli kong sinabi.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon