"Jiro!" tawag ko sa kaniya na mabilis ang lakad. Sa back door siya dumaan at papunta na sa sasakyan niya. "Jiro, come on, please..."
Ang makita ang likod niya, naglalakad papalayo sa akin ay hindi ko kinakaya. Gusto kong magmakaawa na manatili muna siya dito. Na nandito pa naman ako. Kasi kapag aalis siya ngayon, natatakot ako na hindi siya babalik sa akin.
Nang dumaan kami sa mabatong daan ay nadapa ako. Nilingon ako ni Jiro at tatakbo sana papunta sa akin pero pinigilan ang sarili. Doon pa lang ay alam kong hindi niya ako dadaluhan kaya kahit dumudugo ang tuhod ko ay tumayo ako para tumakbo palapit sa kaniya.
"Trey, don't do this..."
"Edi wag kang tatakbo! Malamang, hahabulin kita!" pagod kong sabi.
Hinaplos niya ang pisngi ko. "I'll see you tomorrow, Trey."
"Babalik ka, please..." sabi ko dahil hindi ko kayang paniwalaan ang sinabi niya. Natatakot ako na aalis siya, malayo sa akin, na hindi ako kasama, na hindi ko siya kayang sundan.
Inalis niya ang kapit ko sa batok niya at lumayo sa akin. Hindi niya akong magawang tingnan sa mga mata ko. Mariin siyang pumikit na para bang sobrang hirap para sa kaniya na makita ako.
"I'll see you tomorrow." ulit niya bago siya tuluyang nagmadali palayo sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi panoorin ang sasakyan niyang umalis.
Pagpasok ko sa bahay ay nandoon pa rin si Tita Ameliora at ang tatay ni Amiel... at Jiro. I can't even bring myself to think about it. "Trey--" tawag sa akin ni Tita pero itinaas ko ang kamay ko.
"No. Ayaw ko munang marinig. Ayaw ko muna po."
Nagkulong ako sa kwarto noong gabing iyon. Hindi ko na hinintay na matapos ang party ni Lola, hihingi na lang ako ng paumanhin bukas. Wala na akong lakas para bumalik pa doon. Kahit gaano ako kagaling magkunwari at ngumiti, may sukdulan rin iyon.
Buong gabi kong inisip na kung paanong sa loob lang ng isang oras, nagunaw ang mundo na ilang taon kong binuo. Na ang masaya kong buhay ay magbabago na lang sa isang iglap.
And how that's so fucking unfair. Kami ang nagdurusa sa mga desisyon nila.
Kahit anong pilit ko maghanap ng magandang dahilan kung bakit namin nararanasan ito ngayon, wala akong naisip. I just know that we do not deserve any of this.
Kinabukasan ay tumupad si Jiro sa usapan. Nagising ako nang nasa labas na ang sasakyan niya, at nabuhay ang makina nang makita ako ni Jiro. Hindi ako nagpatumpik tumpik, agad akong sumakay sa front seat.
"Good morning," bati niya, hinalikan ako sa pisngi pero agad iniwas ang mga mata.
Nadudurog ang mga puso ko sa alam kong mangyayari, dahil ako mismo ang magsisimula nito. Buong gabi ko itong pinag-isipan, at alam kong tama ang gagawin ko.
Hindi niya nga ako matingnan sa mata. Tumawa ako nang mapait, "It has been amazing, Jiro."
Naagaw ko ang buong atensyon niya at mabilis siyang napalingon sa akin. Umiling siya nang marahas, "What do you mean?"
Ngumiti ako. "It's okay..."
"Anong sinasabi mo, Trey? Are you breaking up with me?"
Sana nga, hindi na lang.
Sana hindi kailangan.
"Yes," halos maputol ang hininga ko nang sinabi ko iyon.
Kung nabasag ako doon, mas masakit ang katahimikan niya.
"You don't have to." sabi niya matapos ang ilang minutong pananahimik. Lumuluha ako sa tabi niya pero hindi ko iniiwas ang tingin ko. "You don't have to do this, Trey..."
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...