Chapter 12

252 17 40
                                    

Katatapos lang ng unang exam namin para sa araw na 'to at nandito na agad si Kenjiro para bulabugin ang araw ko. Isang exam na lang, tapos sembreak na!

"Anong kailangan mo?" pagsusungit ko sa kaniya. Nasa hamba lang kami ng pintuan ng classroom namin at walang kahirap-hirap na nakahilig ang kamay niya sa taas ng pinto dahil sa tangkad niya.

"Kailangan ba mayroon muna akong kailangan bago ka puntahan?" tanong niya, seryoso ang mukha. Hindi niya ako hinintay sumagot at sumilip sa loob ng classroom.

"Oy! Musta?" maligayang bati niya sa mga kaklase kong pumansin sa kaniya. Humalukipkip ako doon at sumandal sa pader, hinihintay na matapos siya sa pakikipag-usap sa mga kaklase ko.

Grabe 'to, kaibigan ng buong mundo?

Nang matapos sila ay bumaling siya ulit sa akin. "Ayaw mo muna kumain? Nagugutom ako," sabi niya habang hinahaplos ang tiyan.

Aktong iiling na ako nang marinig kong kumalam ang sikmura ko. Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya.

Ngayon ko pa talaga naisipang hindi mag-almusal! Kainis!

Hinila na ako ni Kenjiro, hawak niya ang kamay ko kahit nung makarating na kami sa canteen. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon...

"Anong gusto mong kainin? Libre ko!" sabi niya. Tumingala ako sa mga sign ng bawat stall dito sa canteen hanggang sa makita ko ang stall na palagi kong pinagbibilhan.

Naglakad ako papunta doon, binitiwan na ni Jiro ang kamay ko at parang hindi man lang niya namalayan na kanina niya pa hawak yon. Natural na natural na yata, ah.

"Chicken barbecue po," sabi ko doon sa tindera at inabot ang bayad. Naramdaman ko ang presensya ni Jiro sa likuran ko.

"I'll have the same." sabi niya at naabot ng kamay niya ang pera kahit mas malayo siya.

Hinarap ko siya at nakita kong nakanguso siya.

"Ililibre kita dapat, eh!"

Umiling ako. Kinailangan ko rin namang pumunta dito sa canteen kasi ako mismo ay nagugutom.

Umupo kami sa isa sa mga table doon na pangdalawahan.

"Kumusta ang exam mo kanina? Anong subject?" tanong ko.

Uminom muna siya sa inumin niyang green tea apple bago sumagot.

"GenBio. Guess how it went."

Walang pag-aalinlangan kong sinabi, "Binagsak mo."

"Aray ko!" pag-arte niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay at umayos naman siya sa pagkakaupo. "Sabi ko nga, tama ka."

Natawa ako. "Hindi ka kasi nag-aral!"

"Kapag nag-aral ako, tas bumagsak ako, malulungkot ako! Atleast ngayong bumagsak ako na walang review, hindi ako malungkot kasi 'di naman ako naghirap!" pangangatwiran niya pa.

Nanlaki ang mata ko kasi may sense naman talaga ang sinabi niya. 'Yon nga lang, kapag narinig 'to ng iba ay baka gayahin pa siya!

Nang oras na para sa susunod at huli kong exam ay hinatid ako ni Jiro pabalik sa classroom. "Anong oras ang iyo, Manzanares?"

"Mamayang hapon pa, e."

Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Goodluck, Trey."

Natigil ako at tumitig pabalik sa mata niya. "T-thanks?"

Umalis na siya pagkatapos noon, iniwan akong nakatayo at hindi pa makabawi sa ginawa niya.

Maliit na bagay lang... maliit na galaw lang naman iyon. Wala lang sa kaniya iyon pero dahil doon ay parang mapeperfect ko ang susunod kong exam.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon