Chapter 26

285 17 69
                                    

Sa kabuoan ng unang semester ay idinikit ko ang sarili ko kay Elron. Wala akong ibang intensyon, pagkakaibigan lang talaga dahil for some reason, he really makes me feel at ease. Na sa gitna ng bagong mundong ginagalawan ko ay may natitira pang mula sa dati.

Tinawag ko nga siyang kuya nung minsan, nagalit ba naman! Eh, mas matanda naman talaga siya ng tatlong taon sa akin.

Nagtatawanan kaming naglalakad palabas ng gate ng school para pumunta na sa sasakyan niya. Magkapitbahay kami kaya napapayag niya ako na sumabay nalang sa kaniya pauwi at minsan, kung matiyempuhan ay pati na rin papunta.

"Grabe naman silang makatingin," wala sa sarili kong banggit nang makita ang mga babaeng nakasalubong namin na talagang lumingon pa talaga para tingnan kami.

Ito namang kasama ko, lumingon rin sa kanila! "Huy, 'wag!" suway ko kahit huli na.

"They're just curious about you. Lalo na freshman ka."

"Bakit naman? Ang daming freshman dito."

Hindi niya agad nasagot iyon dahil saktong pumapasok na kami sa kotse. Pagpasok ko ay agad kong napansin na nag-iba ang amoy sa loob, hindi na nakakahilo tulad ng dati. Sinabi ko sa kaniya iyon, kahapon lang, dahil nahihiya ako.

"Maybe because you're pretty?" sagot niya sa tanong ko nang siya naman ang makasakay.

Marahas akong napalingon sa kaniya dahil tutol na tutol ako sa sinabi niya! "What?! Nakita mo ba sila, ang gaganda kaya!" 

Iyong ganda na parang si Nyx Lyrica. Ganoon. Iyong tipo ng ganda na hindi ako magkakaroon kahit kailan.

Imbes na simulan na ang engine ay napahinto si Elron sa sinabi ko at ibinaling ang buong atensyon sa akin. "What did you say?"

"Hah! I said, they're really pretty kaya walang sense iyong dahilan mo na baka kaya sila tumiti-"

"But you're very beautiful yourself. What's your point?"

Hindi naman ako naniniwala sa kaniya pero hindi ko napigilan ang mapangiti sa sinabi niya. Ang bolero rin ng isang 'to! Parang master na ang art of pambobola dahil wala man lang siyang ekspresyon nang sinabi iyon.

"Totoo nga, Trey."

"Yeah, yeah! Sabihin mo 'yan sa sarili mo!" sabi ko habang nakangiti pa rin. Iba kaya talaga kapag nakatatanggap ng compliments.

"I mean it."

"Okay, okay! Fine!" pagsuko ko dahil hindi ako sanay na nakatatanggap ng ganito kadaming papuri. Ang seryoso niya pa!

Tinuro ko na ang manibela para magsimula na siyang magmaneho at nagugutom na ako.

Pareho kaming walang afternoon class ngayong araw kaya nagkayayaan na kumain sa labas. Sa totoo lang, ang saya sa pakiramdam na may ganito akong nakakasama ngayon sa kolehiyo. Akala ko ay magiging loner ako. Si Elron ay parang kuya ko na rin na gustong-gusto kong magkaroon!

Buti na lang talaga at kahit papaano, mabait pa rin ang tadhana sa akin.

"Good evening, Madame." Tumayo si Elron para batiin si Tita na kakauwi lang. Tinanguan lang siya nito at napanatag ang loob ko dahil mukhang hindi ako pagbubuntungan ng galit ngayon.

Nagpatulong kasi ako sa isang article, sports article kasi kaya hindi ko masyadong gamay. Mukhang magaling naman siya sa lahat kaya nagpresinta na siyang tumulong. "Anong term ba ang mas bagay dito? Triumphed?"

"Dethroned." sagot niya.

Nanlalaki ang mga mata ko habang napapalakpak. Hindi ko naisip 'yon! "Grabe, salamat! Kung hindi mo ako tinulungan ay baka na-bash na ako sa ka-walang alam ko sa sports lingo."

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon