Chapter 24

267 17 51
                                    

"What the hell did you do, Lekha?!" sugod sa akin ni Tita Ameliora. Hindi na kasi kami hinayaan na pumasok pa. Maraming nurse ang nagkumpol doon kay Amiel at wala na yata ako sa tamang pag-iisip.

On other circumstances, I'd get mad at her and hold this against her. Pero ngayon, alam kong kasalanan ko. Hindi ko nalang dapat iniwan si Amiel doon.

"I'm sorry... Tita. Kasalanan ko po,"

"Yes, it is! Ipinagkatiwala ko sa'yo ng anak ko!"

Hearing her call Amiel as her son sounds so wrong to me. Ako ang nanay ni Amiel. But then again... how can I say that now that this happened? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba na makita siya.

O makikita ko pa ba siya ulit? Maririnig ko ba ulit ang tawa niya?

What ifs flooded my mind. That things could have gone differently only if I slept in the same room. Kung sinama ko nalang sana siya sa kwarto ko. Kung sanang hindi muna ako umalis agad.

"I don't think any of this is her fault, Madame." rinig ko ang malalim na boses sa likod ko. Siya yung lalaki na naghatid sa amin dito. Hindi ko pa pala siya napapasalamatan.

Tita Ameliora looked deeply offended because of what he said. "What did you say? Do you even know what you're talking about, Elron?"

Oh, she knows him. Ako lang naman talaga ang hindi nakikihalubilo sa mga kapitbahay namin at kung hindi sila Elron ang una kong nilapitan ay baka hindi ako pinakinggan ng iba.

Nanatili akong nakayuko sa pagitan nila. I can hear Tita's ragged breathing habang si Elron ay kalmado lang.

"Of course, Madame. I do not talk without thinking about my words. I'm sure what happened to your son was an accident." Sa tono ng pananalita niya ay sigurado akong magiging magkaibigan sila ni Ambrose.

"An accident that could have been prevented only if this stupid girl looked after him!"

Gusto kong sumagot... pero ang galit ko ay naging luha nalang. At ang galit na ito ay para sa sarili ko, wala nang iba. I am to blame and Elron doesn't need to defend me. Alam ko ang totoo.

"While you couldn't, because?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Elron kay Tita. A question I couldn't find the courage to ask.

Tita Ameliora couldn't seem to win the debate against Elron so she walked out. Umupo na si Elron sa tabi ko, may inaabot nang tubig.

"Thanks," Kinuha ko ang bottled water pero hindi ko iyon binuksan. Hindi ko alam kung makakayanan kong gumalaw para sa sarili ko habang agaw buhay ang pinsan ko doon.

Napahilamos ako sa mukha ko kakaisip kung ano nang kalagayan ni Amiel. Is he awake? Magiging maayos lang ba siya? I miss him so much already.

"You okay? Your aunt is pretty harsh."

I flashed a very tired smile. "Yeah. I'm used to it."

"Tsaka... thank you pala. I wouldn't have known what I'd do if hindi ikaw ang una kong hiningan ng tulong."

Tumango lang siya, sumandal sa upuan at pumikit. "No problem."

Nang lumabas ang doktor ay tila mas mabilis pa sa kidlat akong lumapit sa kaniya. "Kumusta po?"

"Are you the mother?" tanong ni doc na sasagutin ko sana ng oo pero pumasok na ulit si Tita.

"How's my son? Is he going to be okay?"

Mabigat na hininga ang pinakawalan ng doktor na nagpakaba sa akin, pero umusbong ang pag-asa ko nang ngumiti siya.

After so many hours of tending to my cousin, halata ko ang pagod niya.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon