"Eh you had a choice naman kasi! He told you naman na he loves you! You are just so gaga na nabulag sa feelings mo, edi sana happy na kayo ngayon!" umiiyak na sabi ni Ry.
I rolled my eyes. Ilang beses ko pa ba ipapaliwanag na bawat makikita ko siya ay maaalala ko lang talaga ay iyong pagkakagusto niya sa iba? Nakatatak na yata sa akin iyon.
Nandito kami ngayon sa bahay nila at brokenhearted ang gaga. Umuwi na kasi si Shun pabalik sa Japan dahil tapos na ang exchange program niya rito. I felt bad that Nigel is the first thing that came to my mind.
"May choice ka rin naman. Ayaw niya naman makipagbreak sa'yo so why?" tanong ko pabalik.
"I didn't want to do LDR! I'm too immature for that!" pag-amin ng matalik kong kaibigan.
Hindi ko na mabilang sa mga daliri sa kamay at paa kung ilang beses nang umiyak si Selene Ryone dahil sa lalaki pero alam ko na ito ang pinakamalala. Kaya naman sumunod ako sa lahat ng gusto niya kung iyon ang makapagpapasaya sa kaniya.
Kahit 'di ako mahilig sa mga spa o salon ay nagpatianod na lang ako. Sobrang mamahalin rito at kung ako lang ay hindi kailanman ako tatapak dito. Maski ako naman ay kailangan rin ng pagkakaabalahan. Pagkatapos kasi ng nangyari ay hindi na ulit ako makaharap kina Keann at nagresign nalang.
Sa eatery nalang ang natitira kong trabaho.
Maliban sa sawi sa pag-ibig, isa pang kinalulungkot ko ay hindi na ako sa UGA mag-aaral. Wala na akong pera para doon dahil nagastos ko na lahat nang maospital si Amiel.
"Do you really not want to move to Manila? Para magkasama nalang tayo there," sabi ni Ryone habang nakahiga kami at nagpapamasahe.
Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Masaya na ako rito, Ry... tsaka kasama mo naman si Nigel doon."
Nalungkot ako bigla dahil mahihiwalay na ako sa kaniya. My best friend for years. Panigurado ay makakahanap siya ng ibang kaibigan niya doon dahil sa personality niya, habang ako ay baka mahirapan. Hindi siguro siya mapapalitan kailanman.
"Don't find someone na papalit sa akin, ha! Babalik pa rin naman ako dito, this is home kaya!" maarte niyang sabi na tinawanan ko.
Nang lalabas na sana kami sa salon ay biglang may pumasok sa isip ko... at ginawa ko nga para magkatotoo.
"Are you sure about this?!" Halos himatayin si Ryone sa bawat paggupit ng hairstylist sa buhok ko.
Natatawa ako habang hinahabol niya ang hininga niya at iniiwas ang tingin sa buhok ko.
"Oo nga, Ma'am. Sobrang ganda ng mahaba niyong buhok... Ayaw niyo po ba na trim nalang?" tanong ni ate na naggugupit.
Umiling ako at ngumiti, "Neck length po talaga. Ayos lang, tutubo rin ulit."
Pagkatapos akong gupitan ay sabay kaming tumili ni Ry habang nakatingin sa salamin. Ang pagtili ko ay dahil bagay ko siya at sobrang gaan sa pakiramdam! Hindi ko nga lang alam kung para saan ang tili ni Ry.
"Gosh! Magkakandarapa sa'yo ang lahat ng boys sa bagong school mo nyan! Be sure to turn them down nicely, okay?"
Hinarap ko na si Ry at naluluha ako dahil sobrang mamimiss ko talaga siya. Wala nang mang-iirita sa akin araw-araw na conyo. She'd take Legal Management at itutuloy niya hanggang Law School. Nakakaproud.
Nag-iyakan kami sa loob ng salon dahil ito na talaga ang huli naming pagkikita bago siya lumuwas pa-Maynila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magbabago na ang takbo ng buhay naming lahat.
"Punta kami sa McDo, gusto mong sumama?" yaya sa akin ng mga katabi ko was na maiingay. Naaalala ko sa kanila sina Keann pero agad ko iyon binura sa isip ko dahil ayaw ko munang malungkot.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomansaBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...